Chapter 10: Part of Him

190 14 2
                                    

Chapter 10: Part of Him

Ice Ashton’s POV

The moment our class ended, I picked up my things immediately and stood up. But before I left, I quickly grabbed the piece of paper I threw on the side of the window and put it inside my pocket.

Mahirap na dahil baka mayroon pang makakita nito at kung ano ang isipin.

Kahit wala namang pangalan na nakalagay? sigaw ng isang bahagi ng isip ko.

I just shrugged my own thoughts away and didn’t bother to wait for the twins. Alam naman nila kung saan ako makikita.

Pero pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng building namin ay napakunot noo na lang ako nang may biglang humila sa magkabilang kamay ko.

“Harry? Candice? What’s going on?” naguguluhan kong tanong sa kanila nang bigla na lang nila akong kinaladkad patungo sa kung saan.

Candice giggled. “You’ll see, Kuya.” I saw a glint of emotion in her eyes that I can’t put a name to, though.

That made me arch my brow, but I didn’t push through my question.

“Where’s Flame, anyway?” tanong ko na lang kay Harry.

He shrugged. “May kukunin lang daw siya sa library. Kaya susunod na lang daw siya sa ’tin.”

Napailing na lang ako at hindi na nagtanong pa. Ilang saglit pa ay tumigil kami sa harap ng Administration Office. Nagtatakang hinarap ko silang dalawa.

“What now? Did something happen?” Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang trip ng mga pinsan kong ito ngayon.

Harry pointed at the closed door. “Just wait until that door opens.” He smirked, which made me more curious.

“I’m so excited!” Napatalon pa si Candice na mababakasan naman ng kasiyahan ang mukha.

Magtatanong pa sana ako nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. I looked around, and the sight of Auntie Miley came into view. Yuki is walking beside her.

“Tita Miley,” mahinang tawag ko sa kanya. Agad ko naman siyang niyakap pagkalapit niya.

“What a surprise,” I said when I pulled away from the hug, then turned to Yuki and made a fist bump.

She smiled. “Well, what can I do? I miss you all so much.” She pinched my cheeks, and I almost rolled my eyes because of what she did. But instead, I looked around once again.

“Are you with Tito Kira?”

“Yup. Dad is here. You know him, Kuya. He can’t be separated from Mom, even just for a day,” Yuki answered with a sly smile on his face.

That made Tita Miley laugh. “He is with Kuya Kyle, actually. Pakiramdam ko nga ay mas na-miss pa niya ang best friend niya kumpara sa ’kin na kapatid niya, eh.” Napasimangot siya at humalukipkip.

“Mom, you’re acting like a child again.” Yuki snorted.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Tita Miley. Kaya naman ay nag-peace sign na lang sa kanyang ina ang pinsan ko.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now