Chapter 1: The New School Year

535 26 125
                                    

Chapter 1: The New School Year

Ice Ashton’s POV

Napatingin ako sa maliit at bilugang orasan na nakapatong sa ibabaw ng dashboard. Mahigit isang oras na rin akong nagmamaneho at ala-sais pa lang ng umaga. Ayoko sanang umaalis ng sobrang aga pero wala naman akong magagawa.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang sa wakas ay tumambad sa ’king paningin ang malawak na kakahuyan at mga nagtataasang puno. Ilang minuto na lang at malapit na kami sa destinasyon namin.

Hindi ko napigilan ang mapasulyap sa babaeng katabi ko. Napakunot ang aking noo nang mapansin na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Well, she’s been smiling since we left our house earlier.

“Seriously, Flame, you’ve been smiling through the whole ride. You’re creeping me out already.”

Ibinaba niya ang bintana sa tabi niya bago idinungaw ang ulo sa labas at nakangiting nilanghap ang sariwang hangin.

“What’s wrong with me smiling, Kuya? Isa pa ay magsisimula na naman ang panibagong klase ngayong taon kaya sobrang excited na ako!”

Napailing ako. “You’re always excited, you know. Samantalang wala namang ibang nabago bukod sa mga subjects natin.”

Sa pagkakataong ’yon ay nakasimangot siyang lumingon sa ’kin. Finally, the smile on her face is totally gone.

“So? Isa pa ay nakagagaan din sa pakiramdam ang pagngiti. Try mo rin kaya kahit minsan lang para sumaya naman ang buhay mo, Kuya.”

I shrugged. “I don’t need to smile just to show everyone that I’m happy. Basta masaya ako at ’yon ang isang bagay na sinisigurado ko sa ’yo. I don’t give a damn about what the others think of me.”

Natahimik naman siya. But I can see through my peripheral view that she’s making faces.

Ang isip bata pa rin talaga niya hanggang ngayon. Sabagay ay bata pa naman talaga ang kapatid ko para sa ’kin.

She’s currently a grade ten student, while I’m a grade twelve student. Isang taon na lang at sa wakas ay makakaalis na ako sa academy.

It’s not as if I didn’t want to be there. Pero alam ko na mas magiging payapa ang buhay ko sa oras na makapagtapos na ako.

A few more minutes have passed, and I already saw the tall golden gates of the Clarkson Academy.

Based on the story that our parents have told me, Clarkson Academy is open to everyone. But after the battle that happened nineteen years ago, they changed that rule.

Sa ngayon ay tanging ang mga vampires, witches, protectors at vampire hunters na lang ang puwedeng mag-aral dito. Kaya wala na kaming kailangan pang itago sa bawat isa. Nakagagalaw na ng malaya ang lahat. Hindi na namin kailangan pang mangamba na baka may madamay na inosente at walang kamalay-malay na tao sa oras na magkaroon ulit ng gulo.

As time went on, the four groups managed to get along well with each other. Pero may mangilan-ngilan pa rin na ilag sa lahi namin.

Lalo na sa panig ng mga vampire hunters.

I came back to my senses when the gates suddenly opened. Mula rito sa labas ay matatanaw ang malaking shield na pumoprotekta sa buong academy na hindi makikita ng isang normal na tao. Ginawa ito ng mga white witches para magsilbing proteksyon laban sa mga kaaway na magtatangka na sumugod dito. Nagkalat din ang royal guards sa paligid na siya namang nagbabantay at nagsisiguro sa kaligtasan ng mga estudyante.

Mabilis kong pinaandar papasok ang aking kulay pulang Lamborghini at itinigil ito sa parking lot na nakalaan para lang sa ’ming mga royalties.

I got out of the car and took off my sunglasses before I walked around to the passenger side. Nang mapagbuksan ko ng pinto ang aking kapatid ay nagtatatalon siya paglabas.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now