Chapter 11: Something About Her

193 13 2
                                    

Chapter 11: Something About Her

Hailey’s POV

Kasalukuyan kaming nasa dining hall at kumakain nang mapansin kong tila natigilan sina Hevn at Reiko habang nakatingin sa bandang likuran ko.

Out of curiosity, I looked back.

There, I saw Sherwood and Shin walking in our direction. Ang ibang kasamahan naman nila ay nakaupo na sa kanilang mesa habang nakatingin din sa direksyon namin.

“Hey. What are you guys doing there?” nakakunot ang noo na tanong ni Sherwood nang makalapit sila sa ’min.

“Kumakain,” obvious kong sagot.

Napataas naman ang kilay niya. “I know. What I mean is, why are you guys eating there?”

Bahagya siyang gumilid ng tayo at itinuro ang mesa na inookupa nila palagi sa tuwing nandito sila sa dining hall bago muling ibinalik ang atensyon sa ’min.

“You guys are supposed to eat with us at our place.”

Naibaba ko bigla ang hawak na kutsara at tinidor. Did I hear it right? The royalties want us to eat with them?

Nilingon ko sina Hevn at Reiko. Pero tulala lang silang dalawa na mukhang hindi rin makapaniwala sa narinig.

Who wouldn’t be shocked? Ang mapasama pa nga lang sa grupo nila at ituring na tila isang kaibigan ay malaking bagay na.

Pero nasisiguro ko na mas malaking issue para sa iba sa oras na makita nila kaming magkakasamang lahat.

Nabalot ng katahimikan ang buong dining hall dahil nakatuon na ang atensyon ng halos lahat sa ’min ngayon.

Bakas ang kaguluhan sa mukha ng karamihan habang nagtatanong ang kanilang mga mata. Ang ilan naman ay tila naiinis at naiinggit.

But before I could even utter a word, Shin was already holding the tray with my food on it. That move of his made almost everyone gasp. Na para bang isang malaking kasalanan na makita ang isa sa mga royalties na nagbibitbit ng gamit ng iba.

Nang dahil sa ginawa ni Shin ay agad na napatayo si Reiko para pigilan ito.

“There’s no need for you to do that. Dito na lang kami kakain dahil dito naman talaga dapat kami.”

Dahan-dahan niyang inagaw ang tray mula sa pagkakahawak ni Shin.

Sherwood crossed her arms. “Ganito na lang. Kami na lang ang makikikain dito. What do you think?”

My eyes widened because of what she said.

We shouldn’t let the royalties do such things. That’s against the rules they have even set for themselves.

Akmang tatalikod na siya para sana tawagin sina Ice nang mabilis ko siyang nahawakan sa braso para pigilan.

“Fine! We’ll eat with you guys,” I said, defeated.

Napangisi naman siya. “Good, then.”

Ilang sandali pa ay magkakatabi at magkakaharap na kaming kumakain sa mesang nakalaan para lang sana sa kanila.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now