Chapter 13: Hunter in Distress

195 15 6
                                    

Chapter 13: Hunter in Distress

Sherwood’s POV

“Ano na? Malapit na ba tayo?” nauubusan na ng pasensya kong tanong kina Harry at Yuki.

Kung bampira lang din sana ako katulad nila ay mas mapapadali ang ginagawa naming paghahanap. Ang kaso lang ay hindi, eh. Nakadepende tuloy kaming lahat sa lakas ng pang-amoy nilang dalawa.

May kakayahan din naman kaming mga witch na matunton ang lokasyon ng isang taong nawawala. Ang kaso lang ay hindi ko pa gamay ang spell na ginagamit para roon.

Napasimangot na lang ako nang muli kong maalala si Ice. How dare he let Hailey be in danger? Kung kasama lang sana namin siya ay paniguradong mas malaki ang maitutulong niya sa ’min. Kahit kailan talaga ay ang sakit sa ulo ng yelong ’yon!

Hindi na rin namin inabala pa sina Emily, Flame at Candice dahil ayaw naming mag-alala pa sila. Bukod doon ay paniguradong malalagot kami kay Ice sa oras na malaman niyang idinamay pa namin ang kapatid niya at nakababatang pinsan sa rescue mission na gagawin namin ngayon.

Lakad-takbo na ang ginawa namin at kung saan-saan na rin kami napadpad kakasunod sa naiwang amoy raw ni Hailey. Sa ngayon ay tinatahak namin ang isang masukal na daan patungo sa kung saan.

Hanggang sa matigilan si Harry at kunot ang noo na bumaling sa ’kin.

“This is weird. We can’t trace her scent anymore. It seems that someone has covered or erased it.”

Natigilan naman kaming lahat nang dahil sa sinabi niya.

“Ano? Kung hindi bampira o tao ay anong klase ng nilalang naman kaya ang kumuha kay Hailey?” nagtataka kong tanong.

Malalim na napahugot naman ng hininga si Hevn.

“We’re not really sure. They’re just too good to be humans, and we can easily sense it if they’re vampires,” she explained.

“But there’s also a possibility that they’re just humans and have someone powerful to protect them. Maybe their leader or what?” Shin said as he continued to search for something in the bushes.

“Saka kung ano man ang kailangan ng nagpadukot kay Hailey ay nasisiguro ko na sobrang halaga nito para magpadala pa siya ng ganoon karaming tauhan at gumamit ng kapangyarihan para lang mabura ang amoy niya,” dagdag pa ng magaling kong kakambal.

Marahas akong napabuga ng hangin at nagpalinga-linga sa paligid.

“Wait! Come over here!”

Sabay-sabay naming tinungo ang pinagmulan ng sigaw ni Reiko. Nang makalapit kami sa kanya ay naabutan namin siyang mayroong hawak na dagger at baril.

“This is Hailey’s thing,” he informed us.

Napatango naman ako. “Good. It only means that she’s just nearby.”

“We can’t say that. There’s also a probability that it is just a trap,” Harry said, then continued to walk away.

I rolled my eyes. “Whatever you say.”

Nang sa wakas ay makalampas na kami sa kakahuyan ay mayroon namang bumungad sa ’min na isang luma at abandonadong gusali. Pare-pareho naman kaming nagkatinginan.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now