Chapter 17: Not Again

101 9 1
                                    

Chapter 17: Not Again

Ice Ashton’s POV

“Flame, nakita mo ba sina Mama at Papa?” kunot noo kong tanong sa kapatid kong abala sa pagbabasa ng libro habang nakadapa sa ibabaw ng kama. Bahagyang nakaawang ang pinto ng kuwarto niya kaya napatigil ako at sumilip.

Napatingala naman siya sa ’kin. “Si Mama nakita ko kanina sa garden. Kinakausap na naman ang mga bulaklak niya habang si Papa naman ay nasa training room.”

That made my arched brow. What is he doing in the training room this Sunday afternoon?

“Thanks.”

Paalis na sana ako nang may bigla akong nakasalubong.

Tipid akong nginitian ni Emily. Tinanguan ko naman siya dahilan para unti-unting mawala ang kanyang ngiti. She then excused herself and barged into Flame’s room.

Napailing na lang ako at dumiretso na sa training room. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko si Papa na may binubuong malaking bolang apoy sa ibabaw ng palad niya.

“Pa—” Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko nang makita ang bolang apoy na mabilis na tinutungo ang direksyon ko.

Awtomatiko ang naging reaksyon ng katawan ko at mabilis na nakaiwas. Pero bago pa man tuluyang makapaminsala ang bolang apoy ay agad akong bumuo ng malalaking tipak ng yelo na pumalibot naman dito.

The ice melts due to the heat. Pero nang magsimula na itong maging purong likido ay unti-unti rin nitong pinatay ang apoy.

“Do you need anything, son?” Umupo si Papa sa bakanteng upuan na nandito na para bang walang nangyari.

Napasimangot ako na ikinatawa naman niya.

“May itatanong lang po sana ako,” tugon ko bago naglakad palapit sa kanya.

“Fire it out.” Ipinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib.

Sinalubong ko naman ang matiim niyang tingin. “Sa tingin n’yo po ba ay mayroon pa tayong mga natirang kalaban mula sa naganap na digmaan labing-siyam na taon na ang nakararaan?” diretso at walang paligoy-ligoy kong tanong sa kanya.

He didn’t look surprised by the question. But I knew too well that deep inside of him, he was taken aback.

Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga bago napatingin sa kawalan.

“Sa totoo lang ay hindi ko alam. Maaaring mayroon pa at maaari ring wala na. But we made sure that all of the Croven’s allies were killed. Simula naman ng gabing ’yon ay wala ng nangyari na kahit anong klase ng malala na karahasan. Kung may sightings man ng mga fledglings at rouges ay madali naman itong naaagapan bago pa man sila makapaminsala sa mga tao. Habang ang iba naman ay natuto ng magkontrol at uminom ng dugo ng hayop.”

Tumigil siya sa pagsasalita at ibinalik ang atensyon sa ’kin. “Bakit mo pala biglang naitanong? As far as I can remember, you are not interested in that part of history.”

I shrugged. “Wala lang po. I’m just curious. Who knows what will happen in the future? What if someone out there is still aiming and waiting for our downfall?”

Chasing the Vampire PrinceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang