Pano naman siya napunta doon? Wala naman siyang ibang pinuntahan kahapon. . .

"Nandito lang ako buong araw kahapon." Aniya.

"Siguro nga. . Pero alam ko naman hindi ka sasama kapag niyaya kita ng umaga dahil ayaw mo magpakita sa mga kakilala naten. Kaya naisip ko na sa gabe na lang kita papapuntahin para wala masyadong tao. Pero hindi na pala kailangan kase kusa kang pumunta kasama ang isang babae." Paliwanag nito.

Babae?

 

 

"Baka hindi ako yung nakita mo."

"No! Im sure ikaw yun. Nakablack T-shirt, Demin jeans at black cap. Ikaw lang ang kilala ko na may ganung porma."

"P-pero madame ding nagsusuot ng ganun."

Pano siya napunta doon samantalang hindi pa naman niya alam ang venue ng restaurant nito. Saka sino naman yung babae na kasama daw niya.

Simula ng mamatay si Shaira ay hindi na siya naglalapit at nagsasama sa kung kani-kanino lalo na sa mga babae. At saka sino pa ba ang babaeng magkakainterest na makipaglapit sa kanya, hindi na siya ang dating Martineque. Panget na siya.

"Alam ko ikaw yun. Tinawag ka pa nga nung babae na kasama mo na Martin. . Para pa nga kayong couple nun dahil same black T-shirt at denim jeans ang suot niyo. Kaibahan lang nakared cap siya." Pamimilit nito.

Red cap?

 

 

Sino ba ang kilala niyang may red cap?

"Mira?" He whispered.

"Ano natandaan mo na?"

Yeah! Natandaan na niya. Kahapon ng gabe ay niyaya siya ni Mira na magdinner, treat daw nito sa pagtulong niya. Pagkatapos pa nga nilang kumain ng dinner ay pumunta sila ng Memorial cementery.

Pero hindi niya alam na yun pala ang restaurant na tinutukoy ni Lyon. Sa pagkakaalam niya kase ay isang Filipino restaurant yun at hindi isang Italian restaurant.

"N-no! Hindi nga ako yun. Baka kapangalan ko lang saka alam mo naman na si Shaira lang ang tumatawag saking Martin." Tanggi niya parin.

"Hmm. . Oo nga! Baka iba nga yun. Hindi ko naman kase nilapitan."

Ms. Panget meet Mr. PangetDonde viven las historias. Descúbrelo ahora