-Ano? Hindi ko maintindihan!?

"Amm. . S-sabe ko S-sorry!"

-Yun lang?

Bakit ano pa ba dapat?? Sa isip-isip niya.

Mira. . Mira magpakumbaba ka! Ikaw ang may kasalanan. Singit ng mahaderang konsensya niya.

-Hello? Buhay ka pa?

She sigh.

"O-okay. . . S-sorry! Sorry kung hinusgahan kita. Sorry kung pinag-isipan kita ng masama at kung may nasabe ako na hindi maganda. Sorry!? Okay. . Yan nasabe ko na. . . Sige bye."

Endcall.

Hindi na niya inantay pa kung ano ang sasabihin nito. Baka kase kung ano pang sabihin nito na hindi niya magustuhan at bawiin niya lahat ng sinabe niya.

Napakahirap ng ginawa niya nabibilaukan siya habang kausap ito. Pero atleast pagkatapos niya mag-sorry dito ay nakahinga ng siya ng maluwag. .

"Makakatulog na ko ng mahimbing."

Pabagsak niyang inihiga ang sarili at nagtalukbong ng kumot. .

[ Martineque's POV ]

"Sino yung tumawag?"

"Huh?"

"Sabe ko sino yung tumawag?" Tanong ulit ni Lyon.

"Ahh. . Wala lang yun." Aniya.

"Wala lang? Bakit nakangiti ka kanina habang kausap yung wala lang na yun?" Lyon teased.

"Sinong nakangiti?" Pinilit niyang paseryosohin ang itsura.

Lyon smile.

"C'mon Martineque don't pretend."

"I don't need to pretend Lyon. Anyway bakit ka ba nandito?" Pag-iiba niya sa usapan.

Ms. Panget meet Mr. PangetWhere stories live. Discover now