Hindi ko ito ginagamit kahit na hirap na hirap na ako. Basta ang mahalaga sa akin ay sundin sila Mommy at Daddy na 'wag nang magpapakita sa kanila.

But this time, kailangan ko na siyang gamitin. Isasauli ko na rin ang hiniram ko kay Boss. This is the last time that I would used this card, I swear.

Bumalik na ako sa taxi at ilang minuto na lang ay nakarating din kami. Binayaraan ko na si Manong at binigyan ng tip. Tiningnan ko muna ang kabuuang hospital.

Mukhang private ito at puro mayayaman lang ang makaka-afford ng service.

Ito ang isa sa ayaw ko, e. Porke mayaman, maganda na ang serbisyong ibibigay sa'yo at kapag mahirap ay kung ano na lang ang ibibigay sa'yo. Napailing na lang ako bago pumasok.

"Excuse me, may I know where Room 132 is?" I asked the nurse in the information desk.

"On the fifth floor, Ma'am." Tumango ako at taas noong nag-lakad papasok sa elevator.

Solo ko ang elevator ngayon kaya ginawa ko ang mannerism ko. Ang pagkamot ng palad kapag kinakabahan. I don't know why I am nervous though.

Nang bumukas ang elevator ay agad kong tinigil iyon.

Habang hinahanap ang Room 132 ay doble ang kabang nararamdaman ko. I don't know where it came from but heck, I feel like I'm dying because of this nervousness.

Huminto ako sa tapat ng brown na pinto na may nakaukit na 132. I sighed deeply before I knock three times and open the door.

Malamig na aircon, katahimikan at puting paligid ang sumalubong sa akin. Inilibot ko ang tingin ko at napako ang mga mata ko sa taong nakahiga sa hospital bed.

May nakakabit sa kanyang dextose, oxygen at life monitor.

Nag-uunahan na naman ang mga luha ko nang matitigan ang mukha niya.

How long has it been since I waited to see this face again? 1 year and 6 months? Damn! I miss him so much.

Agad akong lumapit sa kan'ya at hinawakan ang kamay niya. Umiiyak akong humalik sa noo niya.

"H-Hanzel!" Mahinang tawag ko sa kanya.

Mukhang namalayan naman niya ako at dahan-dahang bumukas ang mapupungay niyang mga mata.

"A-Althea?" Paos na sabi niya.

Damn! I couldn't help it but to curse when he say my name after those year and months.

"A-Althea, Babe, Ikaw ba iyan?" Lalo akong naluha nang marinig ko mula sa kan'ya ang tawagan namin.

Hinalikan ko ang kamay niya bago ko nilapit ang mukha ko sa kan'ya.

"Yes, Babe! It's me! I-I'm sorry if I left you. I'm sorry, Babe!" Umiiyak na sabi ko.

He smile at me. "Shh! Don't be sorry, Babe. I'm so glad that you're here."

"Hanzel, I'm sorry, I miss you and I love you so much!" Umiiyak kong bulong.

How I miss saying those words on him? Bakit kasi — arggh!

Inangat niya ang kamay niya at pinunasan ang mga luha ko. "It's okay, Althea. I understand. I miss you, too and I love you so much!"

Those words really hit me.

Damn! Damn! Damn! I miss my man!

"I promise, I'll make it up to you, okay. I will never leave your side again."

"But Althea I'm dyin---"

I hush him. "Cut it, Hanzel. You're not going to die, okay? Magpapa-gamot tayo. Hindi mo ako i-iwan, 'di ba? 'Di ba?"

Lalo na lang akong umiyak. Fuck! How can he say those words?

"Okay! Okay! I will fight for you, Babe."

Niyakap ko ang ulo niya at sabay kaming umiyak. "Can I kiss you?"

Napangiti ako. Hindi talaga siya nag-bago.

Ito ang gusto ko sa kan'ya, hindi siya gumagawa ng ano mang bagay na hindi ipinapag-paalam sa'kin. It's his way to respect me.

"Of course, you can!"

Pero ako na ang lumapit sa kan'ya at hinalikan ang labi niya.

I miss this lips.

Napahiwalay na lang kami sa isa't-isa nang biglang bumukas ang pinto at natigil ang kanilang tawanan.

Tiningnan ko ang mga pumasok at ganoon na lang ang gulat ko nan makita ko sila.

Bakit sila nandito?

"Althea?" Halos sabay-sabay nilang sabi.

Ang mga magulang ni Hanzel at sila... "Mom? Dad?"

At bakit kasama nila ang mag-kapatid na Frey...


Si Boss Luigi at Luis.

---

Clue: Nasa gitna siya ng mga ganap sa stories.

Happy Hunting!

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Where stories live. Discover now