Chapter 1

4.7K 60 0
                                    

Napatingin ako sa wrist watch ko dahil may oras pa ako bago dumeretso sa site na ginagawa namin ni Chuck. Yes, buhay ang kaibigan kong iyon at kasal na rin siya kay Nika.

Hay... Lahat ng kaibigan ko ay kasal na sa babaeng mahal nila pero ako wala pa. Kahit nga girlfriend wala.

Paano ka naman magkakaroon ng girlfriend kung wala ka ngang oras sa sarili mo?

Pumasok na rin ako sa isang coffee shop umorder ng maiinom ko. Hindi pa kasi ako nagaalmusal kaya itong kape na lang ang almusal ko.

"Good morning, sir. May take your order?" Tanong ng cashier  habang nakangiti sa akin. Nakatingin ako sa menu nila at nagiisip kung ano ang oorderin ko.

"Um, isang latte."

"Anong size po?"

"Regular lang."

"Iyon lang po ba? Baka gusto niyo rin po ng cheesecake."

"No, iyon lang." Sagot ko sa kanya kaya sinabi na niya sa akin kung magkano ang babayarin ko at binayad ko na siya.

Tumabi na ako para doon sa susunod pa sa akin at naghintay na lang ako sa order kong latte.

Pagkakuha ko sa order ko ay lumabas na ako sa coffee shop at muli ako napatingin sa wrist watch ko. Shit! Late na ako. Medyo malayo pa naman yung site.

Umiinom ako ng latte habang nagmamadaling naglalakad patungo sa kotse ko pero sa hindi inaasahan ay may nakabangga sa aking isang babae at natapon ang iniinom kong latte sa suot kong t-shirt.

Kapag minalas ka naman ngayong araw. Kung kailan nagmamadali na ako.

"I'm really sorry." May kinuha pa siya sa kanyang pouch. Isang panyo at pinunasan iyon sa mantsa sa aking damit. "Sorry talaga, mister."

"No, it's okay." Sabi ko na lang sa kanya. Wala na rin ako magagawa at wala na akong oras umuwi pa sa bahay para magpalit ng damit.

"Lalabhan ko na lang ang damit niyo." Ani naman niya.

"No--" Hindi na ako nakasalita dahil hinila na niya ako papunta sa tabing building. Sa pagkaalam ko ay isang condominium ito.

Pagkarating namin sa isang unit ay pinapasok na niya ako sa loob pero laking gulat ko na lang dahil puro aso ang kasama niya rito. Ang pagkaalam ko ay bawal magpapasok ng alaga sa loob ng condominium unit.

"Hubarin mo na iyang suot mo para malabhan ko na." Utos niya sa akin kaya hinubad ko na ang suot kong t-shirt at binigay sa kanya. "Hintayin mo lang ako rito ah."

Lumabas na siya sa unit niya kaya nilibot ko na muna ang paningin ko sa paligid hanggang may nakita akong certificate. Isa pala siyang veterinarian. Kaya pala ang daming aso rito pero bawal pa rin ang mag-alaga ng aso rito lalo na ang lalaki ng ibang aso.

Ilang minuto ang hinintay ko ay bumalik na siya dala ang damit kong bagong laba lang.

"Heto na ang damit mo." Inabot na niya sa akin ang damit kong bagong laba kaya sinuot ko iyon agad. "Sorry talaga sa nangyari kanina."

"It's okay. Hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko kanina at nagmamadali na ako." Tumingin ako sa mga asong alaga niya. "Hindi ba bawal magpapasok ng mga hayop sa isang condominium?"

"Yes but I owned this condominium at hindi ko kayang iwanan ang mga katulad nila sa kalsada." Napatingin ako sa kanya dahil siya pala ang may ari ng condominium na ito. Mayaman pala ito.

"Y-You owned this?"

"Yes. Hindi ba halata?" Natawa na lang siya ng mahina.

"I'm really sorry. I thought you are one of the tenant." Kinuha ko ang phone dahil tumunog iyon and I saw Chuck's name. "Excuse me. Sasagutin ko lang itong tawag."

Lumabas ako sa unit niya para sagutin ang tawag ni Chuck sa akin.

"Buck, anong petsa na? Nasaan ka na ba ngayon?" Napamura ako sa aking isipan dahil nawala sa isip ko ang tungkol sa trabaho.

"Sorry, pre may nangyari lang kanina pero on the way ako sa site."

"Bilisan mo dahil alam mo naman kailangan ka rito sa site at pati na rin yung blueprint nasa iyo rin."

Hindi na ako sumagot pang muli kay Chuck at pumasok na ulit ako sa loob.

"Sorry, miss but I really have to go. Nagagalit na kasi yung partner ko sa trabaho dahil wala pa ako doon."

"Sorry talaga at magiingat ka."

"And thank you."

Nagmamadali na akong sumakay sa elevator. A few months ago ay naisipan namin ni Chuck magpatayo ng isang company at maging partner sa trabaho. Tutal palagi naman kami ang magkasama sa isang project.

Pagkarating ko sa site ay puro sermon ni Chuck ang natanggap ako. Akala mo pa naman ay asawa ko ang sumesermon sa akin. Pero asa naman dahil wala naman akong asawa. I'm still single until now. Naunahan pa nga ako ni Chase magpakasal.

"Ang blueprint?" Nilahad niya ang kanyang palad sa akin.

"Heto na ang blueprint." Inabot ko na sa kanya ang blueprint. "Kumpleto na ang lahat. Walang kulang sa design na pinapautos ng kliyente namin."

"Good." Tiningnan na niya ang blueprint.

"Musta na pala kayo ni Nika?"

"Hay naku, ang hirap magalaga ng asawang buntis." Pagrereklamo nito. Hanep din itong si Chuck dahil nasundan pa nila si Rian. "Pinagbabato ako ng sapatos o tsinelas kung nahuhuli ako ng uwi. Kasalanan ko bang traffic palagi sa Pilipinas? Masyado na ngang paranoid si Nika dahil iniisip niya palagi na may ibang babae daw ako."

Gusto ko matawa dahil sobrang laki ng problema ng kaibigan kong ito. Wala naman ako maibibigay na payo sa kanya dahil wala naman ako karanasan sa ganyang bahay. Kay Aizen pwede pa pero alam naman naming busy rin yung tao sa pamilya niya at ospital.

"Nagsisi ka ba na binuntis mo ngayon si Nika?" Tanong ko sa kanya dahil wala si Chuck noong pinagbubuntis ni Nika si Rian.

"Of course not. Kahit ganoon si Nika ay siya lang ang babaeng mahal ko." He rolled the blueprint again at tumingin ulit sa akin. "Maiba tayo. Wala ka ba talagang balak magkaroon ng girlfriend o asawa? Hindi ka na bumabata, Buck."

Alam ko naman iyon pero kung ito ba talaga ang kapalaran ko ay tatanggapin ko na lang.

"Wala na nga akong oras para sa sarili ko, maghanap pa kaya ng magiging asawa?"

"Kung ako sayo ay mag-day off ka na muna pagkatapos ng project natin para naman makapagpahinga ka naman."

She Is The OneWhere stories live. Discover now