Stage 37: Pandora's Box (Part II)

Почніть із самого початку
                                    

Pinaglilipat ni Lizbeth ang tingin sa dalawa. "H-Hija, Isla.. m-may sasabihin sana siya ---- "

Umiiyak na si Isla na nilingon ang ina ni Liam tsaka umiling.

Tiningnan ni Lizbeth ang reyna at umiling.

.

.

Nelson immediately came to Mary's rescue. "M-My Queen, let's go."

"But-- " Aangal sana si Mary nang nagsalita si Nelson.

"My Queen, it seems that Ms. Islanda is not emotionally stable today."

Nilingon ni Mary si Isla na umiiyak sa bisig ni Lizbeth. Nanlumo siya... it's her granddaughter and she's supposed to comfort her whatever that's bothering her. Pero tama si Nelson. Sapat nang alam niyang nasa mabuti kalagayan ang apo niya at saan ito nakatira ngayon.

Yet...

Binalingan ni Mary ang malaking picture ni Liam sa dingding. It's his graduation picture. Despite wearing his toga and that nerdy eyeglasses and very straight cut blonde-hair... his blue-eyes didn't lie. It's Isaiah Clark Miller. Arthur's grandson.

Her granddaughter is living in a Miller's dwelling.

Sinuot ni Queen Mary ang leather gloves niya. "Thank you, Mrs. Torres."

Tumango si Lizbeth na alo-alo ang umiiyak na si Isla.

Tumalikod siya. "Come on, Nelson."

Her decision is firm. She's taking away Margaret away from this place.

Away from any shadows a Miller could reach.

.

.

"Isla..." Hawak ni Lizbeth sa umaalog na balikat ni Isla ng tuluyan nang umalis ang dalawang bisita. "Diyos ko, anak..." Nag-aalala na hawak ni Lizbeth sa hilam sa luhang mukha ni Isla. "Ano bang n-nangyayari sa'yo!!!"

Patuloy pa ring humihikbi si Isla. "M-Mama... Mama..." Ungol niya.

"Shhhh...." Niyakap niya uli ang dalaga at pinapatahan ito sa pamamagitan ng paghaplos sa ulo nito. "Andito ako... andito ako, Isla."

Pinatong nalang ni Isla ang pisngi sa balikat ng ina-inahan at iniyak lahat ng pinipigil niyang emosyon kanina. "Mama Lizbeth... g-gusto ko na pong ma-makita si Isaiah... s-si Isaiah po-po.."

"Shhh..." Haplos ni Lizbeth sa likod nito. "Makikita mo rin siya. Okay? Subukan kong tawagan. Wag ka na umiyak."

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

Liam looks at the moon as he was sitting on the window sill of the room he was detained in. He taps his finger on the glass where he can see it moon clearly.

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥  

"Avery!" Tawag nang ina ni Avery na si Aurora sa anak. "Nasa labas si Isaac!"

Lumabas si Avery sa kwarto at tiningnan ang relong-pambisig. "Ha? Mag-a-alas onse na 'ah." Bumaba siya sa hagdan. "Anong sadya niya?" 'Ba't di siya nag-text na pupunta siya?'

Paglabas niya nang bahay ay nakita niya itong nakasandal sa itim na kotse nito. "Oy, Isaac?" Lumabas siya sa gate. "Ba't bigla kang napabisita ---- Okay ka lang?" Lapit ni Avery sa nobyo.

Isaac looked beaten and tired. Umiling ito.

"Bakit?" She cups his face.

"You'll hate me if I'd tell you." He said hoarsely.

Loving the Nation's IdolWhere stories live. Discover now