#WTMH Roll 20: Falling Apart

9.9K 582 170
                                    

Facebook Page to read #LTNI free (even with no data): •ᴥ• Happy Virus •ᴥ•

and in Facebook Group: MARPLE DAME Stories.

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

Enjoy!

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

Nakakunot na ang noo ni Isaiah nang bumaba siya sa minamanehong kotse sabay tumingala sa malaking pintuan ng mansion na syang tirahan ni Isaac at Avery kasama ang kambal nitong mga anak.Niyuko niya ang cellphone para kumpirmahin na tama ang address na binigay ni Noah sa kaniya. It was indeed directed to this place.

'What's going on here?' Sinilid niya ang cellphone sa bulsa at bago pa siya maka-akyat papunta sa pintuan para kumatok ay bumukas na iyon at niluwa ang mayordoma ng bahay na si Yaya Meds. "Yaya?"

"Isaiah!" Agad lumiwanag ang mukha nito nang makita siya. "Anak ko!!" Dali itong bumaba at yumakap sa kaniya. "Kamusta ka na?" Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "At laki ng pinagbago mo, oo!"

Hinalikan niya ito sa pisngi. "Hi, Yaya Meds." He gave her a smile then his eyes scan the place. "Si... I-Isaac?" He stammers pronouncing his brother's name. After their fight two years ago, they never got the chance to speak again. Aside from being busy managing the large business empire, Isaiah still cannot trust himself to be civil with Isaac since he's still grieving at that time for Isla's departure.

And now that everything seems to be okay, he was planning to talk to him but... t-this was just too sudden.

"Ahhh..." Yaya Meds' expression seems to change. She looks troubled. "H-Heto nga't pinasusundo ka niya sa akin. Edgar!!" Tawag nito sa binatang katiwala. Lumingon uli ito sa kaniya. "Iwan mo na diyaan. Si Edgar na mag-paparada niyang sa garahe doon sa likod." Inakay siya nito papunta sa loob ng mansiyon. "Alam mo bang dinala nila Santino at Dylan ang lolo niyo rito sa Pilipinas?"

His steps halted in the middle of the wide receiving area of the house. "Y-Yeah. Noah briefly texted me he was here." Kaya agad siyang nagdesisyon na umalis pansamantala mula sa pagbabantay kay Isla. This is THEIR GRANDFATHER they are talking about. Apart from he never once met him, Noah's text seems to be with importance since he was requested to come. For what reason? Their grandfather and him had no connection at all.

That's why he's here to have an answer.

Umakyat sila sa hagdan papunta sa ikalawang palapag.

Isaiah turns to the portrait of the late Elijah Miller proudly placed on the wall surrounded by smaller-sizes portrait.

Habang paakyat sila'y napatitig siya sa mga mata ng yumaong ama.

Connection. Is there a connection with him and their grandfather? In what way?

"Hijo?"

Napatingala siya kay Yaya Meds. Di niya namalayan na huminto na pala siya sa pag-hakbang. "Ow. Sorry." He then resumes climbing the stairs.

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

ST. ANDREWS HOSPITAL | SCOTLAND

Nag-aalalang nilingon ni Nelson ang nagpapahingang si Mary sa kama pagkatapos ay hinarap ang doctor na sumuri nito. "Doctor?'

"Well," Hinubad ng lalakeng doktor ang suot nitong salamin. "I've told you this before, Lord Brock. The Queen is physically weak for any stressful work. She may be sitting but working using one's mind is still considers to be a tiring job. Naapektuhan nito ang gana natin sa pagkain, nasisira ang sleeping pattern na hahantong sa pagbagsak ng immune system natin. The Queen is not getting any younger. Her defenses for any ailments are low. God is good for not letting her have any disease. Still, it's not a reason for us to be careless."

Loving the Nation's IdolWhere stories live. Discover now