Scarlet Letter: Two Crowns

9.6K 552 326
                                    

Facebook Page to read #LTNI free (even with no data) https://www.facebook.com/LadyOnTheNextCubicleWP/

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

SCARLET LETTER - is an identifying mark or brand placed on someone who has committed a wrongdoing that makes her/him shameful to the eyes of those who knew her/him.

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑

Kagat ni Mary ang ibabang labi habang nakalublob siya sa bathtub. Paulit-ulit na lumalaro sa isip niya ang kissmark sa leeg ni Arthur. Pumikit siya at tahimik na humikbi. Nasasaktan siya pero iba ang sinasabi ng puso niya. Right now, only Arthur can fix her.

Niyakap niya ang mga tuhod sa ilalim ng mga bubbles at humagulhol.

How can he fix her when he's also the reason why she's broken?

.

.

Nakadikit naman ang isang tainga ni Anne sa pintuan ng banyo ng ate niya at pinakiramdaman ito sa loob. Ilang araw na itong walang sa sarili at lutang na umuuwi mula sa unibersidad. May nangyari kaya sa kanila ni Arthur? Halos mapasigaw siya sa gulat ng pumasok sa kwarto ang Nana Celia nila. "OMG! Nana Celia naman..."

"Diyaskeng bata 'to... anong ginagawa mo diyan? Mag-a-alas onse na't andito ka pa rin?"

"A-Ah.. may itatanong lang sana ako kay A-Ate 'eh."

"Sige na't bumalik ka na sa kwarto mo." Taboy nito.

"Naman!" Dabog ni Anne at napakamot sa inis. Pero bago siya tuluyang lumabas, nagsalita ang nana nila.

"Anne."

"Po?" Lingon niya rito.

"Puntahan mo nga iyong lalake sa gate. Andun na naman at parang wala talagang planong umuwi."

"Nasa labas pa si Arthur?!" Nanlaki ang mata niya at mabilis na binaba ang hagdan papunta sa labas.

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑  

Matapos ang di pagkakaunawaan ng ate niya at ni Arthur, kada-hapon itong nag-aabang sa labas ng gate nila at hinihintay na labasan ito ng ate niya. Di ito umuuwi hangga't di niya ito kinakausap. "Arthur?" Silip niya sa siwang ng gate.

Tumayo ito at halatang pagod na pagod sa kakaupo sa malamig na semento. "Anne.."

Umiling siya. "Pasensiya ka na... di ko pa rin kasi nakakausap si ate eh. Umuwi ka na... better luck next time?" Alanganin niyang ngiti.

He sighs upward and closes his eyes tightly. "I just wanted to talk to her. She's been avoiding me at school. Worst, she even ask the principal if she can be transferred to other section.."

Nalungkot si Anne. Masayang-masaya talaga ang ate niya sa piling ni Arthur. Wala nga itong bukambibig kundi ang lalake. Kung gaano daw ito kagwapo sa asul nitong mga mata. Gusto nga niyang lagyan ng tape ang bibig nito sa kaka-Arthur.

Pero sadya wala talaga siyang magagawa sa hinihiling nitong makausap ang ate niya na kung ito na mismo ang umiiwas sa nobyo nito. "Bigyan mo lang siguro ng oras si Ate, Arthur. At.. para na rin sa sarili mo. You look really wasted." Di niya man alam anong nangyari pero mukhang malalim talaga ang pinag-ugatan nito kasi handang matulog talaga ito sa labas ng mansion nila. "Ganito.. if Mary is ready to talk, sasabihan kita, okay?"

Loving the Nation's IdolWhere stories live. Discover now