#WTMH Roll 22: Dreams & Promises

10.7K 616 212
                                    

Facebook Page to read #LTNI free (even with no data): •ᴥ• Happy Virus •ᴥ•

and in Facebook Group: MARPLE DAME Stories.

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

Enjoy!

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻

Humilata si Nadia sa counter niya nang matapos halos kalahati nang kaniyang mga to-do task sa araw na 'yun. Sinilip niya si Baxter na nasa visitor's lounge na tinatapon ang isang bato na design sa mesa sa hangin tapos sinasalo gamit ang isang kamay. Sumisipol ito ng isang kanta. "Psst..." Tawag niya rito.

Lumingon ito sa kaniya. "Ow?"

"Palit tayo ng trabaho 'oh. Gusto kong ganiyan lang ako buong araw."

Umismid ito. "Sinasabi mo bang relax lang ako sa trabaho ko? Tsk, tsk... diyan ka nagkakamali, Nads."

'Nads'? "At kelan tayo naging close para tawagin mo akong Nads?"

Pero di siya nito pinansin. "Relax lang ako sa oras na ito. Pero di mo ba alam pag nagmamaneho ako, buong katawan ko ang gamit. Dinadama ko ang paligid, nagmamasid aking mga mata, malakas na tumitibok ang puso ko, umiigting ang tainga sa mga konting tunog, maliksi mga kamay ko sa pagkambiyo at pagmamaneho... pati mga paa ko, dapat mabilis rin sa pag-tapak ng accelerator. Sakay ko kaya ang pinaka-batang chairman sa buong international business market. Kahit anong oras, may banta sa buhay niya."

She pouts as she lays her cheek flat on her counter. "Dami kong gagawin pa. Pero at least, natapos ko na halos kalahati."

"May maitutulong ba ako?"

Tiningala niya ito pero di agad siya nakahuma. Nakalapit na pala ito at nakatayo sa harap niya. 'T-Teka... ba't sa anggulong ito parang ang gwapo niya sa paningin ko?' From her position, she can see his prominent jaw and muscled-chest ----

Natauhan siya nang may tumikhim sa may di-kalayuan. Napalingon sila sa pintuan ng opisina ng amo nila.

Isaiah, on his black sleeves and cream slacks, leans on the doorframe. "I've been calling through the intercom?"

"HA!!" Agad na inayos ni Nadia ang hitsura niya at nilingon ang intercom niya. 3 missed calls. "Oh! I am so sorry, sir ---- "

Their boss looks at Baxter. "You should stay away from Nadia, Boyet. Nawawala concentration niya pag nasa malapitan ka." Yun lang at pumasok na ulit ito sa opisina nito. "Boyet, inside!"

Namula si Nadia. "HA?! I'M NOT!!" Tiningala niya si Baxter na nakatayo pa rin sa tapat ng counter niya. "What? Tinawag ka ni Sir?"

Nakayuko pa rin ito sa kaniya. "Okay?"

"Duh... Okay!" Inikot nalang niya ang upuan para harapin ang monitor ng computer niya.

Tumalikod na rin ito at inunan ang dalawang palad sa likod ng ulo nito.

Sinundan niya ito ng tingin at bumaba ang mata niya sa malalapad nitong likod... pababa sa... pwetan.. Napa-sign of the cross siya ng de-oras. "May jowa ka, Nadia! Focus!"

.

.

Sinara ni Baxter ang pintuan sa pamamagitan ng pagsipa nito ng marahan. "Wassup, sir?"

Loving the Nation's IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon