Chapter Eight: The Others

107 21 65
                                    


Third Person's POV


"Not this one," Ellis muttered to himself as he flipped another page of the book that he was reading. Kanina pa ito nakakulong sa opisina niya at tila ba may hinahanap ito dahil nagkalat ang mga papel sa paanan niya. Napakarami ring mga libro na nakapatong sa mesa niya. May mga nakabukas magmula sa pinakahuling pahina at mayroong ilan na may mga tupi sa gilid ng pahina.



Naihilamos na lamang ni Ellis ang palad niya sa kanyang mukha at mariing tumingin sa mga kalat sa paligid niya. Napabuntong hininga na lang siya at binalik ang kaninang hawak na libro sa lalagyan nito.



"This is pointless," pagkasabi nito ay sinimulan niyang iligpit ang mga papel at mga libro. Ginamit niya ang kanyang ability para mas madali niyang matapos ang pagbalik sa mga ito. Wala pang isang minuto ay malinis na ulit ang kanyang opisina.



He sat down on one of the chairs and leaned back his head on its rest. Then he removed his glasses and closed his eyes for a bit and tried to clear his mind with whatever that's bothering him. These past few days has been really stressful for him though he's not showing it whenever he's accompanying Louise. He doesn't want her to ask more questions about this place.



Those questions.



He will have to answer them eventually. Actually, he wanted to answer them then and there but he stopped himself from freaking out the girl even more. She looked scared enough to be even more scared. And then there's the problem with her parents and her brother. He told the Headmaster about what happened that night when he found her. The Headmaster didn't say anything and he expected that which frustrated him even more.



Muling binuksan ni Ellis and mga mata niya at hinawakan niya ang kaniyang sentido. Pagkatapos ay wala sa sariling ginulo niya ang kanyang buhok. Nabalik lamang siya sa kanyang sarili nang biglang bumukas ang kanyang pinto at isa-isang pumasok ang tatlong taong matagal na niyang hinihintay. Isang babae at dalawang lalaki na nakasuot ng mga itim na travel cloaks. Tinitigan niya ang mga ito isa-isa at napailing na lang.



"Ever heard of knocking?" walang gana nitong tanong sa tatlo.



Tumawa naman yung babae at sinagot si Ellis. "Sir, bakit ganyan po ang itsura niyo. Mukha kayong stress na stress. Nag-aalala kayo sa amin, no?"



"Maybe." Maikling sagot ni Ellis at saka tumayo mula sa pagkakaupo. Inayos rin niya ang ginulong buhok para hindi na siya asarin ng mga ito. Narinig niya pang tinawanan ng isa sa mga lalaki yung babae at nakita niya kung paano ito mabatukan sa likod ng ulo.



"Sir, our mission is complete," sabi nung isa pang lalaki sa gitna. Pagkatapos ay may nilabas itong makulay na orb mula sa bulsa ng cloak nito at iniabot kay Ellis.

Senyth Academy: Immortal Hearts (ON-GOING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ