Chapter Two: Bothered

251 87 252
                                    

L O U I S E     A L D E I M


Napatingin ako sa likuran ko when I felt that familiar strange feeling on my neck. Pero kung kanina yung naramdaman ko sa bahay ay yung parang may binubuhos sa akin na malamig na tubig, ngayon naman pakiramdam ko may nakatitig sa akin. Napahawak na lang ako sa batok ko at pinilit ko ang sarili kong huwag na lamang isipin yun.




What is happening to me? Am I going insane now?



"Aldeim, are you listening?" I was pulled out of my own thoughts nang marinig ko yung pagtawag sa akin ni kuya.



Sa ngayon, nakasakay na ako ng kotse kasama siya at papunta na ng school kung saan pareho kaming nag-aaral. Sina mom and dad naman eh pumunta na sa kanilang mga trabaho kaya si kuya yung parating naghahatid sa akin.



Napatingin ako kay kuya nang may pagtataka. "A-ano yon, kuya?"



He narrowed his eyes at me. "You're spacing out again. Are you sure you're okay?"



Tumango na lang ako sa kanya. "Yeah, kuya. Inaalala ko lang yung mga ni-review ko. Alam mo na, exams ngayon." Then I smiled at him.




As much as I wanted to tell kuya Caleb what was happening to me, I chose not to because I know that he will overreact and tell it to Mama and Papa and I don't want them to get worried. They have other things worrying about at work and ayoko na yung dagdagan pa.



At first, he looked like he didn't believe me but afterwards, he smiled back at me. "Okay, if you say so."



The rest of the drive was silent hanggang sa makarating kami ni kuya sa school. Kasalukuyan na kaming naglalakad sa hallway nang mag-ring yung phone niya. Agad naman niya itong sinagot.



"Hello, Ma? Yeah, I'm with her. We're already at school."



Oh, it's Mama. Ano kayang meron?



"Yeah, we will be careful. We'll take care of ourselves. Don't worry about us, ma." and then he hung up.


Agad ko naman siyang nilapitan. "What did Mama say?"



"She called me para kumustahin tayo. Sabi rin niya na mag-ingat tayo parati. You know her, hindi yun mapapakali kapag hindi nakatawag sa atin." kuya told me and then he smiled at me.



"I know right," I told him and smiled back. "Sige kuya, I'll remember that. Let's go?" Tapos ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom ko.



Mama was really like that. She never fails to check on us every now and then. Kahit nga nasa bahay lang kami at magkakasama na ay todo ang pag-aalaga niya sa amin. I guess I cannot really question that. In fact, I am actually grateful that she is our mother because she's one of a kind. Any child would want a mother like her and because of that, kuya and I are very lucky.

Senyth Academy: Immortal Hearts (ON-GOING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum