Second Page

9 2 0
                                    

Yesterday was so intense. I was shaking the whole time. As his stares drifted on me.

"Nak, may naghahanap sayo sa labas." bungad sa akin ni mama ng makalabas ako ng banyo.

"Who?" walang ganang tanong ko.

"Puntahan mo nalang doon sa labas. Ayaw niya kasing pumasok, maghihintay nalang raw siya sa labas ng gate."

Nagmadali akong pumunta sa gate at binuksan ito and boom I'm shaking again.

Bakit siya nandito? Paano niya nalaman na dito ako nakatira?

"Change your clothes. We're going somewhere." he said without looking at me.

Inuutusan ba ako nito?

"Are you deaf? I said change your clothes, may lakad tayo."

"Hoy! Sino ka ba? Bakit mo ako inuutusan? You're not my boss para utusan mo ako." iritadong sabi ko

He just give me a cold stares at kinaladkad ako papasok sa kotse niya.

"Hoy ano ba. Huwag mong papaandarin itong kotse mo. Please." sabi ko na may halong kaba.

Hindi ko alam bakit niya ako pinasakay dito. Kahit anong pigil ko sa kanya, hindi siya nakikinig.

Pinaandar niya na ng tuluyan ang kotse na at hindi ko alam saan niya ako dadalhin.

"Where are we going? This is kidnapping." sabi ko na may halong pagbabanta ngunit di man lang siya nagpatinag.

"This isn't kidnapping. I asked for your permission."

"Anong permission ko? I didn't even say that you bring me with you."

"Really, Raishana? I told you na magbihis ka ngunit di ka nakinig so that means pumayag kang sumama sa akin na ganyan ang suot mo."

He knows my name? Oh well di na ako magtataka. Nalaman niya nga kung saan ako nakatira, pangalan ko pa kaya?

"Excuse me. Hindi ako nagbihis kasi ang ibig sabihin non ayokong sumama sayo. You understand?"

"Still, that's the way I understand it. You want to go with me." he said coldly.

Nanahimik nalang ako habang bumabyahe kami papunta sa pupuntahan raw namin. Even if I continue to argue with him, he won't stop his car and let me go home. Pasalamat talaga siya walang pasok ngayon.

After a couple of minutes, nandito na kami sa pupuntahan namin, in the mall. Sa mall lang pala, sinama pa ako. Nakapantulog lang kaya yung outfit ko, nakakahiya.

"You're not comfortable, right? I told you to change your clothes but you didn't listen, you must be embarrassed to go with me with that outfit." mayabang na tugon nito.

"Whatever. Kung hindi mo sana ako hinatak papasok sa kotse mo at sinama dito-"

Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita. Hinatak niya agad ako papunta sa bilihan ng mga damit.

"You choose what to wear. Nag-stop lang naman ako dito sa mall para bilhan ka ng masusuot. Nakakahiya kung yan ang susuotin mo doon sa pupuntahan natin. You look like my yaya."

"Nang-iinis ka ba?"

I thought he's going to answer pero nilagpasan lang ako at namili ng mga damit.

"Kung ayaw mong mamili, ako ang mamimili."

"Ako na baka ang panget ng taste mo sa mga damit." sarcastic kong sabi.

"Stop being sarcastic or else I won't pay the clothes you're going to choose."

"Whatever. Hindi nalang ako mamimili ng damit, uuwi nalang ako. Mas gusto ko sa bahay keysa makasama ang isang tulad mo."

Against OddsWhere stories live. Discover now