First Page

20 3 0
                                    

The long night is over. It's day time again. Another day is here to teach us another lessons in life.

My eyes are wide open, my soul are still asleep. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na hindi pumasok, kaya kahit pagod at kulang sa tulog bumangon parin ako upang makapaghanda na sa aking pagpasok sa eskwela.

Nang matapos na ako sa pag-aayos, nagtungo agad ako sa kusina upang kumain.

"Magandang araw mama." maligayang bati ko sa aking ina. My papa left us when I was still 9 years old. Kaya si mama nalang yung kasakasama ko dito sa bahay. Galit ako sa papa ko dahil iniwan niya kami ngunit kahit anong galit ko hindi rin naman siya babalik sa amin. Masaya na siya sa bagong pamilya na binuo niya, bakit kami maninira ni mama?

"Good morning, nak. Kain na at sabay na kayo ni Uno pumasok." sabi ni mama

Wait, si Uno? Kung sabay kami bakit wala siya dito sa bahay? Yung taong yun talaga, he always wants me to approach to him first.

"Is he waiting in their house, ma?" tanong ko habang kumakain.

"Oo. Puntahan mo nalang raw siya roon. Tinatamad daw siyang maghintay sayo, ang bagal raw kasi ng kilos ng mga babae." sagot ni mama.

I just smirked and finished my food.

Pagkatapos kung kumain, I directly went sa bahay nila Uno. Ang lalaking yun talaga, kahit kailan. Hindi porket magkapitbahay kami, he will take advantage of it. Nakakatamad kayang hintayin at nakakainis makasabay pumasok ang mokong na yon.

I knocked at their door at bumukas na man iyon. A jerk welcomes me.

"Uno, ayaw kung ma late. Kaya kung pwede ba dalian muna, nakakatamad maghintay." diretsahang tugon ko.

"Ito naman. Highblood agad. Kukunin ko lang ang bag ko then we will go." he said joyfully.

I looked up in the sky and can see it's beauty. The beauty of it that no can really beat.

"Hey, tara na."

Bumaling ako kay Uno at ngumiti. Ilang minuto rin akong nakatulala dahil sa kagandahan ng langit.

"You know what Shana. Uuwi na si papa bukas, and guess what magdadala siya ng maraming tsokolate. It's your favorite, right?" he suddenly said.

"Yes, paborito ko nga. Why? Bibigyan mo ako? Ay wait, no. Hindi mo muna ako bibigyan kasi I already know what you're going to do before giving it to me. Kasi alam mo Uno, simula noong mga bata pa tayo, you'll play me as a game, afterwards if you're already satisfied, bibigyan mo na ako." I harshly said.

"Grabe. Hindi na naman tayo mga bata para gawin ko yan. Of course I'll give you your favorite chocolates with all my heart."

"Yuck! Ang corny mo, Uno."

"Shana! Ang oa mo naman."

Hindi na ako sumagot pa. Sumakay na kami ng jeep papuntang school. While on our way, I receive a text message galing kay mama.

Mama:

Naiwan mo yung proyekto mo dito. Ikaw talagang bata ka.

Then, everything went crazy, I'm going crazy. Bakit nga ba nakalimutan ko yun? It's very important pa naman.

Ano nang gagawin ko ngayon? Makikiusap nalang siguro ako kay teacher na bukas ko na yun ipapasa. The deadline is today, bakit ko ba kasi nakalimutan? I felt like I'm an old woman already to forget things easily.

"Uno, ikaw magpamasahe sa akin. Tinatamad akong gumastos."

Nakasimangot na nilingon ako ni Uno. It's his fault anyway, sumasabay pa kasi sa akin.

"Fine. You know I can't say no to you, Shana."

"Thanks Uno. Lakas talaga ako sa'yo no? Siguro may gusto ka sa akin?" tanong ko sa kanya na siyang nagpalaki ng kanyang mata.

Tawa ako ng tawa ng makita ang expression nito. He's so cute, my bestfriend is indeed cute.

"You're my bestfriend. Wag iba iniisip mo."

"Defensive mo masyado, nagtatanong lang naman ako."

"Shut up, Shana."

Natigil ang bangayan namin ng makarating na kami sa school. A smile created on my face when I saw the school's gate. Pag nasa paaralan ako, feeling ko I was already successful kahit na hindi pa natutupad lahat ng pangarap ko sa buhay.

"Good morning, Shana." bati ng isa kong kaklase.

"Magandang araw." bati ko pabalik.

Actually, lahat ng mga kaklase ko ay kaibigan ko talaga. I was friendly to everyone. Tinuruan ako ni mama na maging friendly sa lahat.

"Classmates, be ready na. Padating na si teacher." our classroom president said.

Just like a usual day, hindi naman masyadong boring ang discussion. The feeling of hunger attacks my stomach kaya agad na akong nagpunta ng cafeteria pagkatapos ng tatlong subject.

"Shana." nilingon ko yung tumawag sa akin at napangiwi nalang ako nang makita si Uno.

"Why? Wag mo akong disturbuhin. Kita mo naman siguro na kumakain ako."

"Sungit mo naman. Bakit ba ang sungit mo sa akin ngayon ha? Hulaan ko, may mens ka no?"

Napapikit nalang ako sa tinanong nito. Kahit kailan talaga itong bungaga ni Uno, hinding-hindi mo mapipigilan.

"You shut up or else, I'll kill you."

"Talaga? Papatayin mo ko? Sige nga hindi ako tatahimik. Let's see if papatayin mo talaga ako."

Instead na pansinin ang kakulitan ni Uno, iniwan ko ang pagkain ko at umalis na sa cafeteria. Nakakainis, panira ng araw.

"Are you out of your mind, Perrie? I'm letting you go because that's what you want, tapos ngayon you'll beg for me to comeback? Are you insane?"

Napahinto ako sa narinig ko. Hindi naman talaga ako chismosa ngunit hindi ko talaga mapigilang huminto at tignan kung sino yung nag-aaway.

Lumapit ako sa may puno, nasa garden kami ngayon. Ngunit di nila alam na nandito ako.

"Please, just another chance. I was wrong to ask you to let me go. I realize na you're worth it already, na ikaw na nga. I'm really sorry, Stone. So, please."

Perrie? Stone? They're popular here in our school but I'm not that interested sa kanila.

Then, all I knew is that the guy named Stone walk out at hinabol naman ito ni girl which is Perrie. Nang tuluyan na silang makaalis sa garden, lumabas na rin ako sa pinagtataguan ko.

After that scene, bumalik na ako sa classroom for the next subjects.

"Magandang hapon class." bati ng aming guro pagkapasok nito sa classroom.

Bumati naman kami pabalik. She's our history teacher, Miss Grenda Rio.

As we tackle about history, nabored ako bigla. I excused myself for a minute at pumunta sa comfort room.

I washed my face and put some cheek tint and powder.

Lumakad na ako pabalik ng classroom ng may bumunggo sa akin. He's very tall at hindi ko agad nakita ang mukha nito. But, his voice seems familiar to me when he talk. Then, I realized who it is ng maintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"I saw you earlier."

Against OddsWhere stories live. Discover now