Two

26.5K 483 18
                                    

LUNA's POV

Kanina pa ako nakatingala sa building na nasa harap ko. Ang taas naman nito at ang laki. Siguro ito ang isa sa pinaka malaking building dito sa lugar. Napakayaman siguro ng may-ari nito.

Marami na akong nakitang building at isa ito sa mga nakita kong kaaya-ayang tingnan.

Hindi na ako tumunganga nang matagal. Kailangan ko ng trabaho. Inilibot ko ang tingin ko at tumigil lamang iyon sa guard. Lumapit ako sa kanya para mag-tanong.

"Kuya!" Kulbit ko sa kanya.

Humarap naman siya sa akin at ganoon na lamang ang pagka-dismaya ko sa naging reaksyon niya.

"Ay, SANTONG KABAYO!" gulat na sabi niya. Napasimangot naman ako. "Pasensya na, ano bang maipagli-lingkod ko sa'yo?" Kamot batok niyang sabi habang hindi makatingin sa akin.

Alam kong nandidiri siya sa itsura ko. Kahit ako rin, ganoon ang feeling ko. Pero for the sake of my lifeee! I need to do this.

"Kuya, saan po ba rito ang HR department niyo? Mag-aaply po ako!" Nakayuko kong sabi.

Pansin ko rin na pinag-titinginan at tinatawanan na rin ako ng mga taong labas-masok sa building na ito. Akala mo naman ay kagagandang mga nilalang. Pwe! Mga judgmental!

"Sandali, hija. Tatawagan ko lang ang head para ikaw na ang puntahan niya rito, baka maligaw ka pa. Secretarial position ang a-apply-an mo, hindi ba? Iyon na lang kasi ang available namin."

Napatango na lang ako at napayuko uli. Sosyal naman. Ako ang aplikante, ako pa ang pupuntahan. Maya-maya rin naman ay may narinig akong papalapit sa puwesto namin.

"Siya na ba iyon, Manong?" Tanong ng isang boses.

"Opo, Ma'am!" Mabilis na sagot noong Guard.

Tumigil siya sa harap ko kaya dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Nanlaki ang mata niya kaya napayuko ako uli. Hay, people of the world! Alam kong panget ang ayos ko, hindi na kailangang isampal pa nang paulit-ulit sa mukha ko.

"Hey, hey! I'm sorry, nagulat lang ako. Can I see your face?" Tanong niya sa mahinahong tono.

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Nakita ko na tuloy ang itsura niya. Maganda siya. Maganda rin ang pagkaka-make up niya. Medyo kinulang nga lang sa tela ang suot niya. Masyado kasing hapit sa katawan at maiksi. Wala kayang dress code rito? Hindi kasi pang-office ang suot niya, e.

"Perfect!" Sabi niya. "Ako pala si Tiffany Hernandez, ako ang HR Head. Tara, tanggap ka na!"

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Ganoon? Wala nang interview-interview? Wala nang tingin-tingin sa bio-data o resume?

"Ahh, ako po si Luna Velarde!" Pagpa-pakilala ko sa sarili ko.

Nag-nod naman siya at hinawakan ang wrist ko.

"Halika, ipapakilala na kita sa boss mo. For sure, matutuwa iyon." Sabi niya. Napatingin ako sa paligid. Ang ganda naman dito. Napapangiwi na lang ako ng pagtinginan ako ng ibang empleyado at pag-tawanan. "'Wag mo silang pansinin. Maiingit din sila sa'yo!" Sabi pa niya bago ako hinatak papasok sa elevator.

Kami lang dalawa ang nakasakay dito kaya medyo nakatakas ako sa paningin ng iba. Nakaka-kapos din pala ng hininga kapag tinititigan ka ng mga mapanutyang mata. Kaka-suffocate!

"Ahm Ma'am Tiffany? Babae po ba ang magiging boss ko?"

Nginitian niya ako at pumindot ng floor number.

"Lalaki siya. Guwapo, girl!" Napangiwi ako nang tumili siya. "Ay, sorry! Nga pala may rule ang guwapo nating Boss sa lahat ng secretary niya. Na unfortunately hindi nasunod!"

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Where stories live. Discover now