4Hell

1.4K 57 20

Nero’s POV

Pagpasok ko sa dorm ay naligo na agad ako. Hassle ang araw na ito.

“Hoy, Nero,” nabosesan ko si Vince, kumatok siya sa pinto ng banyo.

Nagsa-sabon pa ako nun, “buset ka talaga, Vince. Bakit ba?”

“Lowbat yata ang cellphone mo. Kanina pa may gustong tumawag pero nagsha-shut down naman.”

“Lol. Kaka-charge ko lang ng cellphone ko kaninang umaga. Umalis ka na nga, di ako makapag-concentrate dito eh!”

“Gago ka, pre. Hindi naman yung lumang cellphone mo ang sinasabi ko eh, yung touchscreen! Sige na, maligo ka na nga at may bibilhin pa ako sa labas.”

What the?!

Di ba, itinapon ko lang sa basurahan ng school yung cellphone? Paanong bumalik yun?! Imposible!

Dali-dali akong naligo.

Pagpasok ko sa kwarto ay tinignan ko agad ang kama ko. Wala naman dun ang cellphone.

Sinunod ko ang desk ko. Wala pa rin.

Ginagago lang siguro ako ni Vince.

“Hoy, anong hinahanap mo?”

Paglingon ko sa pinto ay nakita ko si Zoe, “wala, sabi kasi ni Vince, may gusto raw tumawag sa cellphone ko eh wala naman.”

“Haha. Yun ba? Hayun, sa sala, chi-narge ko na. Di ko alam na mahilig ka pala sa massacre ha.”

“Pinakialaman mo ang mga pictures?!”

“Highblood ka naman, ayaw mai-back eh. Nag-stick yata sa gallery. Cellphone mo naman yun, kaw na lang ang mag-ayos.”

Umalis na siya sa pagkakasilip sa pinto. Nagdamit na ako at malalaki ang hakbang na nagpunta sa sala.

Nanduun nga ang cellphone. Nakacharge. How come eh wala namang charger ang cellphone ng mapulot ko?

-ring ring-

May tumatawag na naman. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba iyon o hindi.

“Nero...”

Shit na malupit.

Alam kong nasa likuran ko sila dahil naninindig ang baahibo ko sa batok at parang namanhid pa ang likod ko.

“Nero... sagutin mo...”

Shit talaga!

“Lumayo kayo sa akin!”

Bigla akong lumingon.

Nakita ko si Zoe na natatawa sa akin. “Pre, naka-drugs ka ba?”

“Ahehe,” nakisabay na lang ako sa pagtawa niya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Umalis na siya.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nasa likod lang pala ni Zoe sina Christine at yung lalake kanina pa! Natakpan lang ni Zoe kaya hindi ko nakita! May tinuturo sila... ang cellphone.

Kahit natatakot ako, pinuntahan ko ang cellphone. Naupo ako sa sofa.

Di pa rin nawawala sina Christine at parang hinihintay na sagutin ko un.

“Ahem... he-hello?” tumingin ako sa gawi nina Christine, nawala na siya---dun sa kinalalagyan nila---nasa tabi ko na sila at nakikinig na sa usapan namin ng babaeng nasa cellphone.

Incoming call from: HELLWhere stories live. Discover now