13Hell

934 38 4

13Hell

Nero’s POV

Naghihintay ako ng balita kung ano na ba ang nangyayare sa hospital. Wala naman akong contacts sa kanila doon.

Mag-ga-gabi na nung bumalik si inay mula ospital kasama si itay.

Halatang nanghihina sila pareho.

“Nay, patay ba? Patay?” agad kong tanong pagpasok nina nanay sa bahay.

Di na nila ako sinama sa ospital kasi makakasama lang daw yun sa kalagayan ko. Di na rin naman ako nagpumilit.

“Ano ba, Nero, anong patay? Buhay ang kapatid mo! Nagkasugat lang,” hinawakan pa ni inay ang noo niya.

Buhay si Siella!

Gusto ko pa sanang magtanong kay inay kung napaano si Siella.

“Sige, kukuha lang ako ng mga gamit niya, ikaw na bahala dito sa bahay ha?” pumasok siya sa kwarto ni Siella.

Naiwan naman ako sa sala.

Tinignan ko ang cellphone.

“Buhay ang kapatid ko, hindi mo siya napatay. Putol na ang koneksyon natin, narinig mo yun? Buhay ang kapatid ko,” bulong ko sa cellphone. Tapos tumawa ng pagak.

Malaya na ako sa cellphone na iyon.

Pagkatapos kung sabihin iyon ay biglang umilaw ang cellphone.

“Ano na naman?” nilapitan ko yun.

^^^Entry 11^^^

“Kailan ako makakalaya?”

Napangisi ako sa unang sentence ng entry, “kalalaya ko lang.”

“Nero...”

“Nero...”

“Pero wala... walang makakaalis ng sumpa sa akin.”

Di ko pinansin ag mga naririnig ko, pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa.

Piangpapawisan na naman ako ng malagkit.

Biglang lumamig ang paligid.

“Kahit na anong mangyari, makaligtas man ako ng isa o hindi, nakakapit pa rin sa akin ang sumpa.”

Ano?

“Nero, alis na kami, anak, matulog ka na lang, padadalhan na lang kita ng pagkain ha?” sabi ni inay at umalis na sila.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

^^^Entry 12^^^

“Kasi kapag nakaligtas ako... diretsong tatalon sa akin ang kamatayan.”

*peeeeep!!!!!!*

*peeeeep!!!!!!!!*

Paulit-ulit na malalakas na busina ang narinig ko sa labas ng bahay.

Dumungaw ako sa bintana at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang malaking truck na babangga sa bahay namin.

Huli na para makatakbo pa ako palabas ng bahay.

***

Author: Watcha say? LOL.

+++

Incoming call from: HELLWhere stories live. Discover now