6Hell

1.3K 53 10
                                    

6Hell

Nero’s POV

Nanginginig ako habang nasa loob ng kwarto, nasa double deck ako, sa taas. Si Zoe ay mahimbing na ang tulog sa ibaba ng double deck.

Hindi ko alam kung matatahimik pa ba ako. Sa bawat pag-ilaw ng cellphone ay nagugulat ako. Gaya na lang ngayon, bigla na lamang iyon napunta sa drafts.

^^^Entry  7^^^

“Pinili kong itapon ang cellphone na ito pero bumalik din sa di ko alam na dahilan. Sinigurado kong binaon ko siya sa lupa perokinaumagahan, nakita ko ang cellphone sa tabi ko, puro lupa ang kamay ko at putikan ang damit ko. Paano ko ba maihihiwalay itong cellphone na ito sa akin?”

^^^Entry 8^^^

“Limang tao na ang namamatay. Napatunayan kong totoo ang sumpa nitong cellphone. Pito na lang ang dapat kong iligtas... panghuli ang sarili ko. Pero paano ko sila maililigtas? Inu-unti-unti na rin niya ang mga taong malapit sa akin.”

^^^Entry  9^^^

“Gusto ko ng matakasan ito. Sinubukan kong tanggalin ang baterya’t sim card niya... pero... WALA siyang simcard na pwedeng tumawag. WALA siyang memory card na pwedeng pagtaguan ng mga images.”

Sa nabasa ko ay binuksan ko ang likod ng cellphone. Tinanggal ko ang baterya, namatay ang ilaw niya. Naging madilim na ang buong kwarto.

WALA NGA!

Tinagtag ko ang cellphone sa pagbabaka-sakaling may mahulog na simcard o di kaya’y memory card.

Maya-maya ay may naramdaman akong likidong umaagos mula sa likod ng cellphone. Nangunot ang noo ko. Di ko naman mahulaan kung ano yun nang biglang umilaw ang cellphone.

SHIT!

Bakit umilaw eh tinanggal ko na nga ang baterya, di ba?!

Ginamit ko ang ilaw na iyon para tignan ko kung ano yung umaagos mula sa cellphone.

“D-dugo... dugo... dugo...” paulit-ulit na usal ko. Nanginginig ang mga kamay ko.

Mula sa repleksiyon ng cellphone ay nakita kong may tao sa likuran ko...

Hindi siya tao...

Multo siya! Multo SILA!

“Nero...”

“Hindi. Hindi to nangyayari. Hindi, hindi.”

“Nero...” si Vince at hinawakan pa niya ang balikat ko.

“Nero...”

“Ahh!”

“Tangena naman, Nero, oh! Natutulog yung tao eh!” bumangon si Zoe at binuksan ang ilaw. Tumingkayad pa siya para tignan ako sa itaas ng double-deck, “nangyayari ba sayo, ha?”

Pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Nasa likuran ni Zoe sina Vince! Tumatanaw sila mula sa balikat niya!

Di ko na siya sinagot, nahiga agad ako at nagtalukbong ng kumot kahit na sobrang init ng pakiramdam ko.

“Ewan ko sayo, tsk.”

Bigla na lang dumilim. Pinatay na ni Zoe ang ilaw.

Gumalaw ang double-deck. Nahiga na si Zoe.

Gumalaw ulit.

Sa pagkakataong ito, parang may umaakyat sa double-deck. May nahiga sa tabi ko. Nanigas na lang ako dun ng maramdaman kong may hangin na tumatagos sa kumot kasabay ng mga katagang: “Nero...”

***

Author: I'm so sorry for the lame update. :3 Di ko na nga alam kung ano ang i-a-update ko kasi tatlo na ang mga on-going stories ko: Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel, Beyond my Wonderland (Starring: Julia Montes) at ITO po.

Incoming call from: HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon