11Hell

1K 42 9

11Hell

Nero’s POV

Ala-sais na ng umaga.Babangon sa kama ang babae, aayusin ang higaan pagkatapos ay pupunta sa kusina na katabi lang naman ng kwarto. Biglang may kakatok sa pintuan ng bahay, hindi bubuksan ng abbae. Magwawala ang kumakatok. Isang lalakeng lasing. Pipiliting makapasok sa loob ng bahay. Magigiba ng lalake ang pintuang gawa sa lang naman sa manipis na klase ng kahoy. Pupuntahan ng lalake ang babae sa kusina. Sasabunutan ng lalake ang babae. Kukunin ng lalake ang mainit na tubig na pinapakuluan ng babae at ibubuhos ito sa huli. Pagkatapos ay kukuha ang lalake ng kutsilyo at pagsasaksakin ang ababe sa buong katawan hanggang sa magkagutay-gutay na ang katawan ng babae.

Napasinghap ako pagkatapos makita ang pagkaka-sunud-sunod ng mangyayari.

“Sino to kako?” parang iritable na ang babae sa tagal ng pagsagot ko. “Kung hindi ka sasagot, ibaba ko na ito, magpapakulo pa ako ng pang-kape.”

“T-teka! W-wag ka na munang tumayo...”

“Ngayon pa? Nasa kusina na ako.”

“Hoy, Linda, bukshan mo tong pentu putang ina! Bukssan mo!”

Mula sa background ay dinig ko ang malalakas na pagkatok.

“B-buksan mo na ang pinto,” natatarantang sabi ko sa babaeng nagngangalang ‘Linda.’

“Hmp. Hayaan mo yun, lagi namang ganun eh. Mabalik tayo sa usapan, sino ka ba?”

Narinig ko ang mga pagkalampag ng mga kaldero at ang pagbukas ng stove sa kabilang linya. “Buksan mo m-muna ang pinto kung hindi... ano...”

“Kung hindi ano?”

“M-mamatay ka! Buksan mo na!”

“Naka-drugs ka ba? Haha--- punyeta, Gardo, kakapagawa ko lang nyang pinto! Bakit mo winasak! Putang ina!”

“Putang ina mo rin! Shino na naman yang kausap mo sa shelpon, ha? Lalake mo na naman ba? Makati kang babae ka! Dapat she iyu, binabaon na sa lupa para uod na lang ang makenabang sha yo!”

“Hello? Hello?” isang malakas na pagbagsak na lang ang narinig ko at mga kaluskos. Naririnig ko rin ang hinaing ni Linda at ang mga mura ng tinawag niyang ‘Gardo.’ Sumagitsit ang takuri.

“Heto ang nababagay sha yong babae ka,” sumunod ang mala-demonyong tawa ni Gardo.

Sunud-sunod ang pag-igik ni Linda.

“At shaan ka naman gagapang ha?” naghulugan ang mga kutsara’t tinidor. “Heto, hayan pa!”

Pinatay ko na ang tawag. Napapikit na lang ako ng mariin.

Ano ba ang dapat kong gawin para matigil na ang mga nangyayaring ito?

Nag-iisip ako. Pitong tao na ang namamatay, lima pa ang matatawagan at kapag hindi ko sila nailigtas, ako na ang susunod. Hindi ito maaari. Kailangang kumilos ako bago pa ako ang hilain ng sinumpang cellphone na ito.

Babangon na sana ako ng biglang bumukas-sara ang ilaw.

Kasabay niyon ay ang biglang pagyugyog ng kama ko at ang paglayo ng katabing mesa ng kama. Napahawak na lang ako sa dalawang gilid ng kama ko.

Biglang tumigil iyon...

Unti-unti ay tumingin ako sa ibaba ng kama...

Wala namang kakaiba...

Bumalik na rin sa normal ang ilaw... di-nouble check ko pa ang ilalim ng kama... wala talaga...

Bumalik ako sa pagkakahiga at pumikit kasabay ng paghinga ng maluwag.

“Nero...”

“Nero...”

“Nero...”

Shiiii---t!

Nagmulat ako ng mata.

Sa kabilang panig ng kama ay naroon sila.

Papalapit ng papalapit sa akin.

“Aaahhhh!”

“Hoy, Nero! Ano ba ang nangyayari sa iyo, anak? May masakit ba sa iyo? Ha?” si inay.

Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ang paligid kung may kakaiba ba.

“Naku, ikaw, bata ka. Ano bang nangyayari sa iyo, ha?”

Di na ako sumagot. Hindi na tama to.

***

Author: Magkakaroon nga pala ng soft copy tong kwentong to kahit di naman siya ever ganda. XD

Incoming call from: HELLWhere stories live. Discover now