8Hell

1.2K 43 2
                                    

8Hell

Nero’s POV

Di ako pumasok sa klase ko. Mas pinili kong maglakad-lakad...

“Oh, atras pa ng kunti! Tigil na---hoy! Tigil na!”

Napatingin ako sa lalakeng nagpapaatras ng 6-wheeler truck. Tumingala ako: “Construction on-going; Beware of falling Debris.”

Automatiko namang napagawi ang tingin ko sa katabi ng Construction site, opisina.

Nangunot ang noo ko, “babaeng naglalakad, papasok sa office, may mahuhulog...” balik ng isip ko. Nagpalinga-linga ako. Paano ko malalaman kung sino si Natalie sa kanila? Ang daming office girls!

-ring ring-

Nilabas ko ang nagva-vibrate na cellphone sa bulsa ko. Ayos, tinatawagan niya si Natalie. Nilapat ko agad yun sa tenga ko habang nakatingin sa paligid, ang babaeng sumagot ng cellphone niya ay siguradong si Natalie na.

“Yes?”

“Miss Natalie!” tingin pa rin sa paligid.

“Speaking, sino to?”

“Nasaan ka ngayon?” time is gold! Tss. Pagbaling ko sa kaliwa ko ay nakita kong may babaeng naghahalughog ng bag niya habang nakasapak sa tenga niya ang cellphone, “gotcha.”

“Why?---Hello?”

Di ko na siya sinagot, naglakad ako palapit sa babaeng nakita ko. Nasa gilid siya ng construction site kung saan may mga tinataas na mga yero at may mga pako pa sa ibabaw ng yero. May mga nagdaraan naman sa paligid niya pero sa kanya lang ako nakatutok.

“Miss Natalie?” tawag ko sa babae at hinawakan siya sa balikat.

“Huh?”

-screech screech-

“Ilag!”

“Umiwas kayo!”

Bago pa kami mabagsakan ng mga kung anu-ano ay hinila ko na siya hanggang sa matumba kami sa daan. Unti-unti akong bumangon at nakita kong nagbagsakan ang mga yero... sinunod kong tinignan ang kasama ko, maayos naman siya. Yes! Pero...

Mula sa mga yerong nagbagsakan ay may dugong umaagos palapit sa amin...

“Tabi lang po, tumabi po...” sabi ng Police na rumesponde agad.

Tinayo ko ang babaneg katabi ko na nagtamo ng sugat sa tuhod dahil siguro sa pagkakatulak ko sa kanya kanina, “Natalie, okay ka lang?” agad kong tanong sa kanya.

“Natalie? Hindi ako si N-Natalie,” medyo hilo pa siya, nakahawak pa siya sa noo niya.

“H-hindi ikaw?”

“Dito! Dito!” sigawan ng mga tao.

Sumugod agad ako sa pinagkumpulan nila at tumambad sa akin ang isang babaeng nabiyak ang ulo dahil sa yerong pumasak sa ulo niya hanggang sa pagitan ng mga mata niya, tumusok din ang ilang pako sa leeg at mga braso niya...

Habang ang kamay niya...

Ay may hawak na cellphone...

Na nakalagay pa sa tenga niya.

Napahawak ako sa bibig ko. Naduduwal ako kasi parang nakatingin pa siya sa akin. Nakatutok ang mga mata niya sa akin, sa mismong kinatatayuan ko.

***

“San ka nanggaling? Di ka na naman pumasok,” sita ni Zoe sa akin.

Tinaas ko ang paningin ko sa kanya mula sa pagkakayuko sa computer, “may ano---may pinuntahan lang ako.”

Di ko pa nasabi sa kanya ang mga nasaksihan ko kaninang umaga lang. Paano ko naman sasabihin? Baka sabihin pa niyang nagkataon lang iyon...

Nagkataon nga lang ba?

“Oh siya, siya, lalabas lang ako saglit ha? Wala na pala tayong bigas eh,” tinapik niya ako sa balikat at lumabas na.

Pagsara ng pinto ay biglang umihip ang hangin kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw.

Tinignan ko ang ilaw... napalunok ako ng ilang beses bago nagawang ibalik uli ang paningin sa computer... wala naman talaga akong mahalagang ginagawa dun, naglalaro lang ako.

Nang walang anu-ano’y biglang nagshut down ang coputer at nag-steady na ang ilaw.

Mula sa reflection sa computer ay may nakita akong pigura sa likuran ko.

Mga pigura sa likuran ko...

“V-Vince... walang g-ganyanan, pare...” nanginginig ang boses ko pero di ko makuhang tumingin sa likod ko.

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin...

Naramdaman kong may kung anong likidong tumutulo sa balikat ko pero ayoko pa ring tignan...

“Zoe...”

“Pare, h-hindi ako s-si Zoe...”

“Zoe...”

-ring ring-

“H-hello?” para akong nagka-stiff neck kasi nilalamig ang batok ko.

***

Author: kehtagal ng update, eh noh? Naloloka kasi ako! Uwaah!

Incoming call from: HELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon