10Hell

1K 38 2

10Hell

Nero’s POV

“Nero...”

“Nero...”

“Nero...”

Nanlalabo pa ang paningin ko ng magmulat ako pero siguradong sigurado ako sa naririnig ko.

Masakit ang ulo ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang noo ko... parang may nakapalibot doon.

May benda ang ulo ko. May mga sugat din ako sa katawan, lalung-lalo na sa braso’t kamay ko.

Pumikit ako ng mariin at nagmulat bigla.

Puting ilaw...

“N-Nurse...” nahihilo ako. Nakaharang pa ang dextrose na nakakabit sa kamay ko.

Nakatalikod lang ang babe sa akin. Nakaputi siya, baka siya na ang nurse.

“Doc,” tawag ko naman sa katabi ng nurse. Bakit di nila ako naririnig? “Nurse, d-doc...” aabutin ko na talaga sila para mapansin nila ako. Baka mahina lang ang boses ko at di nila ako marinig.

“Nero...”

Binawi ko ang kamay ko. “Aaahh! Lumayo kayo sa akin!” mula sa pinto ay pumasok pa ang iba. Ang huling pumasok ay si ---Zoe. Wasak ang braso niya... wala ang kamay niya...

“Nero...”

“Aaah!”

“Doc! Doc! Gising na po ang pasyente!--- Ok ka lang ba? Anong nararamdaman mo?”

Nagmulat ako ng mata.

Wala na sila.

Isang nurse ang nakita ko na inaasikaso ang dextrose sa kamay ko. May pumasok na doctor sa kwarto at may tinanong sa nurse.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Anong nangyari?

Nasaan na sila?

“Naririnig mo ba ako?” tanong ng doctor sa akin. May maliit pa siyang flashlight na itinutok sa mga mata ko.

“Are you alright?” ulit na tanong ng doctor.

Narinig kong lumangitngit ang pinto.

Unti-unti akong tumingin sa pinto, si inay.

Nag-usap sila ng doctor at lumabas na ang huli.

“Nero, anak, maayos ba ang pakiramdam mo? Ha?” tanong ni inay sa akin. “Grabe pala ang nangyari sa mga ka-dormmates’an mo, anak. Noong isang araw lang, yung si Vince ang nabaril ngayon naman ay yung Zoe ang nasabugan ng LPG...”

Nasabugan ng LPG?

“Buti na ang lumabas ka, anak, pero nakakaawa pa rin sila,” patuloy na sabi ni Inay.

Kung alam lang niya kung ano ang totoong nangyari.

“Oh,” mula sa likurang bulsa niya ay may nilabas siya, “buti na lang hindi nasira tong bagong cellphone mo, nak,” at ipinakita sa akin ang cellphone na touchscreen na walang gasgas ni isa.

Nahintakutan akong makita iyon. “I-ilayo mo sa akin yan, n-nay...” hangga’t maaari ay ayokong makita yun, ang cellphone na iyon na pumatay sa mga kaibigan ko!

“Ano ka ba, anak, sayang ito. Di mo man lang sinabing nakabili ka na pala ng bago. Di ko nga alam kung may tumatawag ba sa iyo o ito mismong cellphone ang tumatawag.”

“Wag na wag niyong s-sasagutin o k-kakausapin, nay!”

“Ahy paano ba yan, nak? May nasagot na ako kanina? Babae eh!”

“Nay, tawag po kayo ng doctor,” mula sa pintuan ay dumungaw ang ulo ng kapatid kong si Siella.

“Oh, Nero, labas muna kami ha? Iwanan ko muna tong cellphone mo dito sa tabi ng kama mo.”

Lumabas na sina Inay.

Eksaktong pagsara ng pinto ay nag-ring ang cellphone.

Nahihintakutan man ay inabot ko yun. Nanginginig pa ang kamay ko habang hinihintay na sagutin ng kabilang linya ang ginagawang pagtawag ng cellphone. Sino na naman ba ang magiging biktima?

“Hmm? Sino to?” medyo groggy pa ang sumagot. Mukhang kagigising lang, babae.

Ika-pito na tong taong to na tinawagan ng cellphone. Please, mailigtas lang kita, tapos na!

***

Author: Late update, lame update. Isang letrang pinagkaiba, pero walang pinagbago ang meaning. LOL

Incoming call from: HELLBasahin ang storyang ito ng LIBRE!