Chapter 21: LOVEly Place to Preparetion for Acquaintance Party

371 13 0
                                    

Sabrina's POV

Nandito pa rin kami ni Jaye sa lugar kung saan kami laging pumupunta dati. Napakasariwa ng hangin dito at maganda ang tanawin. Patag dito at halos lahat ng natatapakan namin ay damo na berdeng-berde. Sakto lang ang panahon para sa mga gustong mag-sight seeing dito. Nanatili lang kami na nakaupo dito.

Walang may gustong bumasag nang katahimikan. Pinapanood lang namin ang kapaligiran.

Masaya ako dahil okay na kami ni Jay-Jay pero... may weird sa nararamdaman ko, yung panghihinayang. Pero bakit?

"Namiss kita, Brina. Buti at naging maayos na tayo." Sabi ni Jaye na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa harapan.

"Ako rin. Pero, ang daming tanong sa utak ko."

Tumingin siya sa akin ng nagtataka. "Ano-ano naman yun?"

Nagbuntong-hininga muna ako bago magsalita. "Bakit mo ako iniwan? Bakit di ka man lang nagpaalam sa akin bago ka umalis? Bakit di ka man lang nagparamdam kahit nasa ibang lugar ka?" Sunod-sunod na tanong ko.

Tumingin ulit siya sa harapan bago ako sagutin. "Dahil yun yung bilin sa akin nila Mama. Kalimutan muna kita at magfocus sa pag-aaral. Pero dahil di ko kaya, nagrebelde ako. Madalas mapaaway at madalas bumagsak pero buti na lang at kaibigan ko si Kevin kaya ayun kahit papaano pumasa ako. Nung nalaman ko na may mga slots pa para magtransfer doon sa school niyo, kinuha ko yun at sinama ang mga kaibigan ko."

"Pero Jaye, bakit ganon ang pinagawa nila sayo? Mabait naman sila sa akin, ganon din ako sa kanila. Wala namang away ang namagitan sa amin ng parents mo, bakit ganon?"

Tumungo siya at parang nag-iisip. Pero bakit parang kinakabahan siya? Weird.

"P-Para daw makapag-aral ako ng m-maayos, Brina. Yun lang." Sagot niya na pinagtaka ko. Yun nga lang ba talaga, Jaye? Bakit kakaiba kilos mo?

"Hayst, hayaan mo na nga lang. Atleast bumalik ka. At hindi mo ako iiwan ulit." Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng maliit.

Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin agad kami. Kailangan na naming magprepare para sa Party.

Pagkatapos ng ilang oras ay nandito na kami sa tapat ng building ng condo ko.

"Mag-ayos ka na, Prinsesa ko. Kailangan mong maging maganda para bagay kayo ng Prinsipe mo." Sabi niya habang nakasilay sa bintana ng kotse.

"Maganda na ako, Jaye. Pero, kailangan kong maging sobrang ganda para ako ulit ang Face of the Night." Sabi ko.

Tumawa siya ng mahina. "Oh sige. Kailangan partner tayo pag naging Face of the Night ka. Dapat ako din maging Face of the Night." Sabi niya na may ngiti sa labi.

"Sige na umalis ka na. Mag-ayos ka na rin para maging Face of the Night ka."

"Sige. Bye. I love you." Sabi niya na kinagitla ko.

"A-Ah sige. Bye, ingat ka sa daan." Pagkasabi ko niyan ay tumalikod na ako at pumunta na sa condo.

'Ano ba yan, Sab. Simpleng I love you lang natatakot ka na. Pero, bakit ka naman natatakot? Diba dapat masaya ka?'

Jaye's POV

Huuu! Akala ko mahuhuli ako ni Sab. Buti na lang naniwala siya sa mga sinabi ko kanina. Di pa niya dapat malaman yung sikreto.

Nagmamaneho na ako pabalik sa condo ko, magpeprepare na ako para sa Acquaintance Party namin.

Masaya ako dahil okay na kami ni Sab. Akala ko nga irereject niya ako pagkatapos ng ginawa ko sa kanya dati eh. Pero, kahit alam kong okay na kami, nakikita ko sa mga mata at kilos niya yung pagdududa. Ewan, basta parang malakas siyang makakutob.

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now