Chapter 8: Her Kuya

466 21 1

Dedicated to haxumiru_14

Keep on reading :)

Sadina's POV

Katulad ng sinabi ni Sandy ,dito siya natulog sa unit ko kagabi. Dalawa ang kama ko dito. Pinasadya talaga ni Daddy na ipadalawa ang kama ko dito para kapag gusto ni Sandy na dito matulog ay may extrang kama na. Nasanay na rin kasi si Sandy na magkatabi kami ng kama sa iisang kwarto. Ayaw niya sa guest room kasi nga katulad ng sinabi ko, nasanay na siyang magkatabi kami ng kama sa iisang kwarto. Unli lang noh? Hehehe..

Nandito kami ngayon sa Dining Area ni Sandy. Nagluto kasi siya ng breakfast namin. Nakaligo at nakabihis na rin kami, ready to go na. Pero bago kami umalis, ito kumakain muna para hindi maubusan ng energy sa pagmamaldita.

"Twinnie, ako na maaghuhugas ng pinggan bago tayo umalis." Sabi niya habang kumakain. Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Twinnie, diba sabi ko sayo--'kung sino ang hindi magluluto ay siya ang taga-hugas'?"

She sigh. "Okay, fine." Then she rolled her eyes.

After we did our things, lumabas na kami ng unit ko. Syempre malamang na mag-stay pa kami sa loob eh may klase pa kami. Tsk! Nabaliw na naman si Sabrina Marie Washington. Oh full name pa yan. Hahaha!

Pagkasara ko ng unit ko, saktong lumabas na rin sina Summer at Shanaia. Complete attendance na naman ang Queenies. Always naman eh.

"Good Morning, Queenies! Sabay-sabay na tayong pumasok sa school."sabi ni Sandy. Nag-agree naman kaming tatlo.

Pagkatapos ng not-so-long conversation, we decided to go to the parking lot of this condo. Papasok na dapat kami sa kanya-kanya naming kotse nang mapansin ko si Summer na nakatayo pa rin at nakayuko. Sinilip ko naman ang mukha niya. Nakasimangot siya. Ano kayang problema nito?

"Hey, Summer. Why are you so sad?" I asked out of my curiousity. Napatingin din sina Sandy at Shana sa kanya.

"Oo nga, Summer. Kagabi ka pa gan--" Nag-pause muna siya saglit sa pagsasalita bago ulit magsalita. "Oh I get it." Napatingin naman kami ni Shana kay Sandy at pareho kaming naningkit ang mata. Mukhang may secret ah?

Lumapit siya at binigay ang.... susi? Oo, susi ng kotse niya yun.

"Go get it," Kinuha naman ito ni Summer. "Basta pagdating natin sa school ibigay mo na sa akin yang susi. Sasabay na lang ako kay Twinnie."

Nakita ko namang unti-unting ngumingiti si Summer. "Thank you, Sandy." She murmured.

"Eeww, so cheesy." Sino pa bang magsasabi niyan?--edi yung maarte, si Shana. Tumingin naman kaming tatlo sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Hehehe.Peace." At sabay peace sign niya.

"We need to go. Baka ma-late na tayo." Malamig kong sabi. Bakit malamig? Eh kasi favorite ko yang ganyang mood. I like fierce eh. Pero sa loob-loob ko, I'm a crazy maldita.

-----

At school's parking lot...

"Hooo.. Thanks we're already here."-Sandy habang nag-uunat.

Pinatay ko muna ang makina tsaka kami lumabas. Nasa labas na rin sina Summer at Shana.

"Sandy, Thanks ulit." Nakangiting sabi ni Summer kay Sandy tsaka binigay ang susi.

Kinuha naman agad ito ni Sandy. "You're always wlcome."

"Let's go na. Baka may kaguluhan na sa loob." Malamig ko ulit na sabi. I love cold.

Paalis na kami ng parking lot nang mapansin ko ang isang pamilyar na kotse. Blue Porsche. Katulad na katulad nung kay Summer. Hindi naman nag-iisa ang kotse na yan eh. Baka may isang stupident na gumaya kay Summer.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin, biglang may babae na kumakaripas ng takbo na parang may sasalihan na marathon. Bigla tuloy kaming napahinto sa paglalakad. Pumunta naman yung babae sa kaibigan niya.

"Bianca, alam mo ba? May apat na gwapong lalaki na nandun sa Quadrangle ngayon." Kinikilig na sabi nung babae. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Tsk! Apat na lalaki? I think I know them.

"Twinnie, I guess pare-pareho tayo ng iniisip." Napatingin naman ako sa kanya. She's using Queenies famous maldita smile.

Pumunta na kaming apat sa Quadrangle. Maraming mga Pathetic na babae na nakapalibot dito ngayon at nagtitilian. Nakakairita ah?

Sa sobrang inis ko, hindi ko na napigilan na sumigaw. "Quiet!" Napatingin naman silang lahat sa akin at automatic na tumabi ang mga stupidents sa kaliwa at kanan. Naiwan naman sa gitna ang apat na pabigat.

"Good Morning, Ms. M," Nakangiting sabi ni Jaye na parang nang-aasar. "Oh bakit nakalukot yang mukha mo? Baka mapunit yan." Tumawa naman siya ngayon. Tsk! Crazy Man.

Tumingin naman ako sa tatlo at tumango. Alam na nila ang gagawin namin.

"Don't..."-Shana

"Block..."-Me

"Our..."-Sandy

"..." napatingin naman kaming lahat kay Summer dahil sa hindi niya pagsagot. Ang pinagtataka ko lang ay bakit may likido sa pisngi niya.

Oo, umiiyak siya at nakatingin siya kay Kevin.

"Anong *sobs* ginagawa mo *sobs sobs* dito, Kuya?" Sabi niya kay Kevin at tsaka tumakbo palayo sa amin.

"Shana, follow her." Malamig kong sabi kay Shana.

"But--"

"Just do it!" Sigaw ko sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya at tsaka sumunod kay Summer. Sumunod din si Kevin sa kanila.

Ilang minutes din kaming lahat na nakatayo. Inaabsorb ang mga nangyari kanina. Umalis na din ang mga babae na nagtitilian kanina. Tahimik lang ang paligid ngayon.

"Uhhm, guys. I guess we need to go. May klase pa tayo, remember? Hayaan na muna natin sina Kevin at Summer na ayusin ang problema nila." Sabi ni Sandy. Nag-agree naman kami.

Naglakad na kami papuntang room. Tahimik pa rin kami at wala nang bumabasag dito.

Sa totoo lang, wala talaga kaming alam tungkol kina Summer at Kevin. Naalala ko na may nabanggit siya sa amin na may Kuya siya--Kev ang pangalan and I'm sure na si Kevin yun. Pero ang malaking katanungan--bakit hindi nagpapakita sa amin si Kevin? As in never.

I need to know about them--about Summer and Kevin, her Kuya.

----------

A/N: Guys sorry for the super duper late update.Nasira kasi CP ko buti na lang napagawa na 'tong tablet ko.Hindi ko rin alam kung kailan ulit ako makakapag-UD.

About nga pala dun sa age nila,gagawin ko yung 16 y/o para hindi complicated 'tong story.

5/27/17

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now