Chapter 10: Comfortable with Him

159 9 0

Selina's POV

Arrgghh!! Ang sakit pa rin ng ulo ko! Daig pa yung may hangover grabe!

Minulat ko ang dalawa kong mata. Nasa kwarto ako ngayon, I mean sa kwarto ko. Teka, ano bang nangyari kanina?

Bumili sa fastfood chain. Nakaramdam ng hilo. May humawak sa bewang ko na lalaki at tinawag ang pangalan ko. Nahimatay. Teka, sino nagdala sa akin dito?

Napabalikwas ako sa pagkakahiga at dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at bumaba sa sala. Inikot ko ang paningin ko pero wala namang tao.

*sniff

*sniff

Shems! Ang sarap ng niluluto. Wait, what?! Nagluluto ba kamo?! Tama! Sa kitchen.

Agad naman akong pumunta sa kitchen. Tama ako, may nagluluto nga. Lalaki siya. Nakatopless. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita.

Ang lapad ng likod niya. He has masculine arm. If I would describe his body in one word, the word would be PERFECT. Siguro may pandesal din siya sa external part ng stomach niya. You know what I mean. Hehe.

Papalapit na sana ako sa kanya nang madanggi ko at mahulog ko ang kutsara na nasa counter ng sink. Pinulot ko agad ito at binalik sa dati nitong pwesto.

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "Oh, gising ka na pala," Sabi niya. Literal na lumaki ang mata ko at napaawang ang bibig sa gulat.

Siya na naman?! Bakit ba lagi na lang 'tong lalaki na 'to ang nakikita ko? At tsaka, paano siya nakapasok dito sa condo ko eh may passcode 'to?

"Tamang-tama luto na itong sinigang. Kumain ka na." Dugtong pa niya.

"Paanong---"

"Hep hep hep... kumain ka muna tsaka mo na itong yan." Nakangiti niya pa ring sabi.

Sinunod ko naman ang utos niya. Kumuha ako ng dalawang plate, spoon, fork and glasses at tsaka ako umupo. Sumunod naman siyang umupo sa harapan ko dala-dala ang bowl na may lamang sinigang. Nagsuot na rin siya ng kanyang T-shirt.

Napakatahimik lang namin habang kumakain. Wala mi-isa sa amin ang bumabasag sa katahimikan. Tumingin ako sa kanya ng patago at nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya bigla akong napaiwas ng tingin.

Awkward...

Yan ang kaya kong idescribe sa amin ngayon.

Maya-maya, natapos na rin kaming kumain. In fairness masarap ang luto niya kaya ayun, naka-apat na cups lang naman ako ng kanin.

Ako dapat ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin pero sabi niya siya na lang daw kasi baka mahimatay na naman daw ako. Nakainon na rin ako ng gamot at medyo light na lang ang headache ko.

Ngayon, nasa sala na kami. Nanonood kami ng 'Hachicko'. Sana naman hindi ako umiyak ngayon. Nakakahiya sa katabi ko.

Ang snacks namin ay Chips at Softdrinks-in-can.

Nasa kalagitnaan na kami ng panonood. Yung part na nagsimula nang maghintay si Hachicko sa amo niya sa station ng train. Five times ko nang napapanood 'to pero hindi ko pa rin maiwasang umiyak. Eh sa nakakaiyak naman talaga eh!

Ito namang katabi ko, ayun, tutok na tutok sa panonood. Napakatahimik habang nanonood. Serious mode. Sana ganyan na lang siya palagi para magkasundo kami. Kapag naman nasa ibang lugar kami, grabe ang kayabangan niya.

"Don't stare at me, Summer." Sabi niya habang nakatutok pa rin sa pinapanood niya habang kumakain ng Chips.

Napabalikwas naman ako ng tingin at ibinalik sa TV. "A-ang kapal m-mo ah! Sa picture ako ni Daddy nakatingin." Tumingin naman siya sa gilid niya kung saan nakapatong sa isang mini drawer ang picture namin ni Daddy. Hoo! Safe ka Summer, mukhang napaniwala mo siya. Thanks sa picture na yun.

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now