Chapter 20: Our LOVEly Place

557 19 0
                                    

Sabrina's POV

                z
              z
            z
          z
        Z
d-o-b

*Alarm Clock Rings

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Agad na bumangon ako.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nitong lugar kung nasaan ako. Kulay pink lahat, mahangin rin dito, di na kailangan ng aircon dahil sa sobrang lamig.

'Nasa Tree House nga pala ako.'

Naglakad ako papunta sa pinto nang...

*Knock Knock Knock

"Marie, nandito na yung pinalaba mo, yung uniform mo." Sabi ng nasa likod ng mga pintong nasa harap ko. Si Mang Buenito.

Binuksan ko ito at nakita ko si Mang Buenito na nakangiti't hawak ang aking uniform. Kinuha ko ito at ngumiti rin sa kanya.

"Salamat po."

"Walang anuman, hija. Oo nga pala, maligo ka na sa office para makapaghanda ka na sa eskwelahan mo. Nakahanda na doon ang umagahan, nauna nang kumain si Maris pero hihintayin ka na lang daw niya para sabay kayong pumasok." Paliwanag niya.

Tumango naman ako. "Sige po, bababa na po ako."

Dali-dali ko namang inihanda ang mga gamit ko't damit. Pagkababa ko ay dumaretso muna ako sa loob ng office at sa loob ng bathroom ay naligo na ako ng mabilisan, doon na rin ako nagbihis sa loob.

Pagkatapos ko ay pumunta naman ako sa picnic area at nakita ko naman sina Mang Buenito at ang iba pa na nandoon at naghahanda na para kumain ng umagahan. Nandon na rin si Sandy na halatang tapos nang kumain at abala sa pakikipag-usap sa mga tauhan dito sa Tree House namin.

Maya-maya lamang ay napansin naman nila ako't tumigil naman sila sa pag-uusap.

"Oh, Marie, kumain ka na para makapasok na kayo sa eskwelahan niyo. Isang oras pa naman ang byahe dito mula sa lugar niyo." Sabi niya at pinaupo naman ako sa mahabang kawayan na upuan.

"Sige po, salamat." Sabi ko at sinimulan nang kumain.

"Bakit nga pala nandito kayong dalawa? May nangyari ba?" Tanong sa amin ni Mang Buenito. Nagkatinginan naman kami si Sandy na kaharap ko ngayon.

"A-Ah ano po kasi, namiss namin na pumunta dito kaya... dumalaw kami." Sabi ko at mukha namang naniwala sila.

"Eh bakit nahuling pumunta si Maris?" Pahabol na tanong ni Mang Buenito.

Si Sandy naman ang sumagot. "K-Kasi po... m-may dinaanan pa ako kaya nahuli ako ng punta dito." Palusot niya at naniwala rin naman sa kanya lahat.

"Ah ganon ba? Sige, salamat sa pagpunta. Sana madalas na kayo dumalaw dito." Nakangiting sabi ni Mang Buenito. Nagkatinginan naman ulit kami ni Sandy at sinuklian ng pilit na ngiti si Mang Buenito.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nagpaalam sa kanila. Sabay kaming naglakad ni Sandy papunta sa mga kotse namin.

"Ahmm, Sab. Tungkol kay Jay-Jay..." Huminto muna siya panandalian bago magsalita muli. "N-Nakita ko na ba or... naka-usap na?" Tanong niya.

Tumingin naman ako sa kanya. "Malalaman mo mamaya kung sino siya." Sabi ko at sakto namang nasa harap na kami ng mga kotse namin. Sumakay na ako't iniwan siyang may pagtatanong sa kanyang mukha. Pinaandar ko na ang kotse ko at humarurot paalis.

'Marami kang dapat na sabihin sa akin, Jaye. Marami kang dapat ipaliwanag.'

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now