Chapter 4: Sabrina's Revenge

585 30 0

Shanaia's POV

Nasaan na kaya yung kambal? Kanina pa sila umalis. Matatapos na ang third period namin.

"Okay class ipasa niyo nalang bukas ang mga assignments niyo bago ako maglecture. Class dismissed." Sabi ng teacher namin. Ugh! Ang tagal naman nung dalawa. Makalabas nga muna.

Lumabas ako ng room at pumunta sa Rest Room. Buti na lang at wala pang tao dito, siguro nagkaklase pa yung mga estudyante.

Pagkalabas ko ng rest room, nakita ko yung kambal sa section 11 at may kasama silang apat na lalaki. Siguro yun yung mga transferrees. Kinausap nila yung teacher sa loob at pagkatapos, pumasok na yung dalawang lalaki.

Nakita kong papalapit na sila dito sa kinatatayuan ko kaya nagtago ako sa loob ng Rest Room. Pagkadaan nila dito sa rest room, sinundan ko sila. Nakita ko naman sila sa tapat ng room namin. Pumasok na yung dalawang lalaki kasama si Sandy habang si Sab kinakausap yung next teacher namin. Pumasok na rin ako dahil baka mapagalitan ako ng teacher namin. Pagkaupo ko, pumasok na rin si Sab at yung teacher namin.

Agad ko namang chinismis si Sab pagkaupo niya. "Hoy Sab, sila ba yung mga transferrees?" Lumingon siya sa akin.

"Yup! And by the way, panoorin niyo yung talent show." Ngumiti siya ng malapad at sabay lingon sa harapan.

Inintroduce muna ni Miss ang dalawa. "Good Morning, section 1." Bati ni Miss sa amin. "And by the way, these are the transferrees from Scottland Academy. Introduce yourselves, boys." Then umalis si Miss sa harapan at gumilid.

Pumunta muna sa unahan yung lalaki na brown ang buhok at nagsimula nang i-introduce ang sarili. "Uhm, hello guys. I'm Jaye Marquinez. 17 years old. Like Miss said, we're from Scottland Academy. I am a Player of basketball there and I'm trying to be a basketball player here at Washington University." Nagpalakpakan lahat ng stupidents dito sa room except me and Queenies. Hindi kasi kami agad namamangha sa mga katulad niyang newbie dito sa school.

Bigla namang nagsalita si Miss."Okay. Ahm Mr. Marquinez, do you have any hobby except playing basketball?" Tanong ni Miss.

"Yes. I can dance, badly." Pagmamayabang niya sabay kindat. Napakafeeling cute naman nito. Oo, cute siya pero slight lang.

"Can you dance for us?" Tanong ulit ni Miss.

"Of course, I will dance Sideki---" Hindi niya natapos ang pagsasalita nang biglang sumabat si Miss.

"Tatlong Bibe." Nakangiting sabi ni Miss.

"What?! Are you crazy?!" Inis na sabi ni Jaye. Hahaha!! Laughtrip si Jaye.

"I'm serious, Mr. Marquinez." Seryosong sabi ni Miss.

"Tsss." Yan lang ang nasabi niya. No choice siya. Hahaha!!

Tutal wala naman kaming song ng tatlong bibe, kami na lang ang kumanta. Habang kumakanta kami, si Jaye naman sumasayaw. Para siyang bata na sumasayaw ng Nursery Rhymes. Napalingon naman ako sa left side ko at nakita kong vinivideohan ni Sab si Jaye habang tawa ng tawa. I smell something revenge. Matanong nga mamaya dito kay Sab kung anong nangyari sa loob ng office ng dad niya.

Natapos na ang pagkanta namin at ang pagsayaw ni Jaye. Nung papunta na si Jaye sa upuan niya sa bandang likod, binigyan niya muna si Sab ng death glare at may sinabi pa siya kay Sab na sila lang ang nagkakaintindihan. Ano kayang nangyari dito sa dalawang 'to? I need to know.

Sabrina's POV

Nandito pa rin kami sa room. 4 hours na rin ang nakalipas nung ipahiya ko yung si Jaye. Ang saya niyang asarin. Inintroduce na rin ni Harley ang sarili niya and wow just wow, madami na agad ang nag-aadmire sa kanya. And take note, di ko siya pinahiya kanina sadyang si Jaye lang talaga ang pinag-iinitan ko. Siguro sa apat, si Harley lang ang gugustuhin kong maging kaibigan.

*Bell rings

Yes! Uwian na! Pero di muna kami uuwi ng Queenies dahil kailangan naming pagplanuhan ang meeting namin with the other gangster which is the King Trops. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga taong pumatay sa kuya ko, sa pinakamamahal naming kuya ni Sadina na si Kuya Ezekiel.

Si Kuya Ezekiel ang laging naghahatid-sundo sa amin ni Sadina sa school nung Elementary kami hanggang sa mag 1st year high school kami. Sometimes, he's preparing us a food for our school. He's also helping us for making assignments and projects on school. I love my kuya very much kaya nung nalaman namin na wala na siya, halos gumuho na ang mundo namin ni Sadina at simula nung highschool na kami, naging maldita na kami hanggang sa nakilala namin sina Summer at Shana na may pagkamaldita din kaya tinayo namin ang bandila ng Queenies at ang goal namin ay ang hanapin ang King Trops at pagbayarin sila sa ginawa nila sa kuya ko. Masyado pa kasi silang bata nung panahon na yun kaya hindi sila pinakulong ni Dad. Dapat ngayon 2nd year college na si kuya kung di siya pinatay ng King Trops. After 3 years makikita ko na rin sila at pasalamat sila dahil hindi ko pa nakikita ang mga mukha nila dahil nung may pinakitang picture sakin si Dad, mga naka-mask sila.

Okay, stop this discussion. I will message Queenies na pumunta sa Private Room namin.

See you soon King Trops. I'm so excited to meet you.

-----------------

A/N:Guys I'm so sorry. Sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-update. Masyado kasing busy sa school eh pero promise ko sa inyo babawi ako ngayong Summer. And by the way, sorry kung minsan wrong grammar yung English ko. Next week ulit ako maga-update.

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now