Chapter 18: First Love

125 7 5

Jaye's POV

Hello! Jaye Marquinez here!

Pagkatapos kong kausapin si Sabrina na alam ko namang di magiging magandang pag-uusap yun, ay naglakad na ako papunta sa room.

'Bakit mo kasi ginawa yun, Jaye?! Sa susunod pigilan mo muna ang sarili mo ha?!'

Napasabunot naman ako sa ulo dahil sa naisip ko.

'Bakit kasi di na niya ako makilala? Ah! Sabagay, matagal na rin naman yun.'

Nang makarating ako sa classroom namin ay walang sa mood akong umupo sa upuan ko. Sinalpak ko sa dalawang tenga ko ang earphones at natulog sa desk panandalian.

*Zzzzzzzzz

"Jaye? Doi gising na! Padating na si Miss." Sabi ng nagyuyugyog sa akin.

"Mmm." Pag-ungol ko.

"Jaye, ano ba?! Gigising ka o tatadyakan kita diyan? Mamili ka!" Sabi niya pa at naalimpungatan naman ako. Pagtingin ko sa nagsalita, si Harley pala.

"G*g* ka doi, ang sarap ng tulog ko. Binitin mo pa." Sabi ko sa kanya.

"Mas g*g* ka doi, pag di kita ginising diyan, paniguradong iluluwa ka ng pintong yan palabas nitong room."

"Tss." Inis na sabi ko at sakto namang dumating si Miss. Natanggal na rin pala yung earphones sa tenga ko.

"Good Morning, Class. I will just tell you this and don't be happy because I'll give you an assignment." Panimula ni Miss. "So the owner of this school which is also our Dean, Mr. Washington. He said that today and tomorrow will be the G10 students day. It means, the days that he said are no classes for the preparation on your Acquaintance Party. He also said that you need to clean your classroom and also the Event Area which is the W.U. Garden Event Area. I know that some of you doesn't know that Area. Well, it is just a huge garden here in our school. No one can enter there because it was just for the event like this. I will not describe it because all of you are going there and will clean it. So that's it, and for your assignments, I will just tell it to Missy for the topics." Paliwanag niya. Sumama naman sa kanya yung kaklase namin na si Missy ata paniguradong sa Teacher's Office sila pupunta. Si Missy daw ang Class Vice President nitong Section 1 at nabalitaan ko rin na favorite talaga siyang estudyante ni Miss. Ganyan ako ka-chismoso haha. Joke.

Pagkasabi nun ni Miss ay maraming natuwa at marami ding nainis dahil sa papagawa niyang assignment. Pag magbigay pa naman ng assignment yun si Miss ay sobrang haba ng questions at kailangan sagutin ng mahabang answer at kailangan detailed na detailed yung answer mo. Tsk. Bakit ba ganyan yung teacher na yan?

Umalis muna ako at pumunta sa Cafeteria. Nakapamulsa ang dalawang kamay ko habang naglalakad papuntang Cafeteria.

"Oh my G, girls! Siya ba yung transferee?"

"Oo siya nga!"

"Hala ang gwapo niya!"

"Oo nga! Sa tingin niyo may GF na siya?"

"Sana wala hehe."

Yan lang naman ang ILAN sa mga bulungan ng mga babaeng nadadaanan ko dito sa G10 building. Pero, dahil wala akong sa mood, iniwasan ko na lamang sila at di na pinansin.

The Clash of the Gangsters [On-going]Where stories live. Discover now