EPILOGUE

10 3 0
                                    

FEBE's

"KANINA pa naghihintay yung mga kaibigan mo sayo.." sabi ni nanay pagkababa ko.

"Nandyan na sila nay?" tumango lang si nanay at saka sumigaw si Dona sa labas.

"Febe! Tayo na.. Mali-late na tayo!" dinig kong sigaw niya.

Kumuha na lang ako ng sandwich at nagmadaling umalis "Bye.. Nay!" sabi ko at saka ko ito hinalikan sa pisngi.

Then.. Lumabas na ako "BESTIE!!" sigaw ko at saka ko niyakap itong dalawa.

"Hah? Anyare?" tanong ni Jas na nakakunot yung noo.

Kumiwala ako sa pagkakayakap ko sa kanila "Wala.. Gusto ko lang kayong yakapin." sabi ko at nagpatuloy na kaming naglakad.

"Weird!" dinig kong sabi ni Dona.

Di ko rin alam kung yung ginagawa ko basta.. Masaya ako nung pagkakita ko sa kanila at gusto ko silang yakapin bigla. Basta ganun yung nararamdaman ko..

"By the way Febe.. Pa-copy ng assignment mo ha.. Di kasi ako nakagawa kagabi.." sabi ni Jas.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Si.. Si.. Alam mo na yun! Basta tinetext niya ako ng mga sweet text kagabi kaya di pumasok sa isipan ko na may assignments pala tayo. Pa-copy ha!" napahawak na lang ako sa noo ko. Kung hindi ko lang ito kaibigan.. Malamang, kanina ko pa ito sinisipa.

Pinagpatuloy na namin ulit yung paglalakad na namin..

After a few minutes..

Nakarating na kami sa school at para bang nai-excite ako nung nakita ko ito. Pumikit ako saka ini-spread ang kamay ko "Hello.. University!" sabi ko.

"Siguro bang di ka nauntog kanina?" tanong ni Dona "Iba kasi yung kinikilos mo ngayon.." sabi nito pero nginitian ko lang ito. Masaya talaga ako sa araw na ito at hindi ko alam kung bakit.

Hanggang sa may namukhaan ako na isang lalake.. at papunta ito sa amin. Tinawag ko ito "INIGO!!" nakalapit na ito at saka ko niyakap.

Nabigla ito sa ginawa ko "Na miss kita.." yun na lang ang nasabi ko.

"Hah?" pagtatakang tanong ni Inigo.

Tapos napaalis ako bigla.. Hays! Ba't ko yun ginawa?

"Awkward.." dinig kong sabi ni Dona.

"Ah! Wala.. Wag mo na lang akong pansinin. May jetlag pa kasi ako." pagsisinungaling ko.

Nangunot yung noo ni Inigo.

"Hay naku.. Inigo! May topak talaga yan ngayon.. Pati nga kami nagugulat s mga kinikilos nito. Niyakap kami na para bang ang tagal naming di nagkita.." sabi ni Dona.

"Ang harsh niyo naman.. Topak talaga!" sabi ko.

Tumawa na lang sila. Pinagtatawanan nila ako. Ang bad nila!

Then, nagsalita si Inigo "By the way.. I want you to meet my girlfriend.. Marisse!" sabi nito at lumabas ito sa likuran ni Inigo. Ay hindi ko nakita na nandyan pala siya. Sori..

"Marisse.. this is Febe and her friends." pagpapakilala sa amin ni Inigo.

"Hi! Marisse!" sabi nung dalawa "Hello!" nahihiyang sagot nito.

"Hi! Marisse.. Sorry kanina ah! Di kasi kita nakita.. Pero, wag kang mag-isip ng kuna ano-ano ha.. Friends lang talaga kami nitong si bigboy!" sabi ko.

"Uy! Febe.. Nakakahiya.." binulungan ako nito ni Inigo.

"Anong nakakahiya dun?" humarap ako ulit nito kay Marisse "Ganyan talaga siya.. Mahiyain kapag tinatawag na bigboy.. Pasensya ka na ah!" sabi ko.

Dreaming on a Famous PoserWhere stories live. Discover now