CHAPTER 11

6 2 0
                                    

FEBE's

NAGLALAKAD na kami pauwi kasama sina Jas at Dona. Si Mond kasi ay may practice pa at mukhang gagabihin ito kaya nagpaalam na lang ako sa kanya.

"Grabe talaga yung babaeng yun. Napakasama talaga ng budhi. Pinanganak yata sa impyerno." sabi ni Jas na di pa rin nakaka-get over sa ginawa ni Kyline samin.

Nagsatisfied naman si Dona "Hindi lang sa impyerno pinanganak.. Dun din yata nakatira. At kampon ata nito ni Satanas." sabi nito.

Pinigilan ko na ito sa pagsasalita ng kung ano-ano "Tigilan niyo na yan. Baka marinig pa kayo, mapaaway na naman tayo.." sabi ko nito.

Tumahimik na lang yung dalawa. At iniba na lang yung topic namin.

"Pero bes.. Kung hindi kay Mond, baka natuluyan ka ng sampalin ng demonyitang yun." sabi ni Dona.

"Oo nga.. Buti na lang, nakarating sa tamang oras si Mond.. Kung hindi, baka nilalagyan na natin ng yelo iyang beautiful face ni Febe ngayon." nakasimangot ito sabi ni Jas.

Biglang akong may naalala. May date pala kami ngayon ni Mond.. Bakit ko nakalimutan?

Agad kong kinuha ang phone ko at saka nagtype..

'Babe.. May date pa pala tayo! Sa'n ako maghihintay?'

<sent>

*krung krung*

May message ako galing kay Mond.

Mond: Babe.. Sorry! Di yata matutuloy date natin ngayon kasi mali-late yata ako ng uwi.

Febe: Ahm! Okay.. Basta text mo lang ako kapag may kailangan ka.

Mond: Yes babe! I love you..

Febe: Love you too.. Sige na! Hold na natin ito baka mapagalitan ka pa ng coach mo kung sakaling makita kang nakikipagtext.

Mond: Ok babe! Ingat ka pauwi!

Di ko na lang ito ni-reply'an kasi baka humaba na naman yung kwentuhan namin.

Ilang saglit pa lang ay nag-ring yung phone ni Dona at saka ito sinagot "Hello honey?.. Yah.. Yah.. Sure.. Sige-sige.. See yah.." at saka pinatay nito ang phone.

"Guys! I'm sorry! I think.. Di ako makakasama sa inyo pa uwi because.. Tinawagan kasi ako ng honey bunch super crunchy sweet and tasty oppa choco gummybear caramel baby love ko!" pagdaragdag nito. Hehe.. Ang haba naman ng endearment ninyo Dona. Inubos niyo na ata lahat "Pwede ba?"

"Why not.. Bakit ka naman namin pipigilan?" sabi ko.

"At sa haba ng endearment ninyo.. Nahiya na kaming mag-disagree." sarkastikong sabi ni Jas.

Pangiti-ngiti ito "Ah hehe.. Half pa lang yun.. Di pa yun buo." nahihiyang sabi nito.

Woww ha! Dona.. Konti pa pala sayo yung endearment na yun. Hehe.. Kaloka!

Nagtinginan kami ni Jas at nagkibit balikat na lang. Nagpaalam na ng tuluyan si Dona. At saka namin pinagpatuloy yung paglalakad namin.

"Ay bes.. Di ka ba nako-confused sa huling sinabi ni Kyline na.. Sooner, magdurusa ka rin at siya yung mananalo sa huli. Ano kaya ang nais niyang ipahiwatig? Diba?" confused na sabi ni Jas.

At saka ko napagtanto yung sinabi Kyline kanina. Tama si Jas.. Ano kaya yung ibig sabihin ng mga pinahiwatig niya kanina? Pagdurusa? Kapighatian? Bakit kaya ganun yung sinabi ni Kyline?

Tumango-tango ako saka nagsalita "Oo nga no.. Nawala kasi sa isip ko kanina yan. Pero, tama ka.. Mind-puzzled sakin yung sinabi ni Kyline kanina." sabi ko.

Dreaming on a Famous PoserWhere stories live. Discover now