CHAPTER 12

5 2 0
                                    

FEBE's

"ANONG sinabi mo?" sabi ko nito. May gusto ito sakin?

"Hah?? A-ano kasi.. What I mean is.. Gusto kitang isama mamaya maglakad-lakad sa mall. Kung gusto mo naman." sabi nito na pakati-kati pa nito sa batok niya. Ah! Ganun pala..

"Ah! Kala ko ano na.. Yes! Sure.. Sasama ako!" sabi ko na may halong kagalakan.

"Okay! Mamaya.. After ng class. Dito na kita hihintayin." pangiting sabi nito.

Tumango na lang ako. Kasalukuyan pa rin kaming naghihintay na matapos yung next class namin para makapasok na kami sa kanya-kanyang room namin. Nasa Class-B kasi ako.

Tahimik lang kami hanggang sa nagsalita ito ulit "Ano pala yung sasabihin mo kanina?" tanong nito sakin.

"Ah yun.. Gusto ko lang sanang humingi ng paumanhin kasi.. Nakita ko specifically nabasa ko ang nakasulat sa note mo without your permission.. Pero di ko na man intended yun. Sorry ah!" pagsosorry ko sa kanya.

"Wala yun.. Wag mo nang isipin yun." sabi nito na umiiwas ng tingin.

Di siya galit parang nahihiya pa nga eh "Pwede ba akong magtanong?" I asked him.

"Ano yun?"

"Sino si Anirebef? Girlfriend mo?"

Nagulantang ito. Bakit ito nagulat? Kabigla-bigla ba ang sinabi ko?

"Ahm! Okay naman kahit di mo sagutin." sabi ko. At saka ko iniwas ang tingin ko.

"Hindi ko siya girlfriend.." seryosong boses nito.

Napatingin ako sa mukha niya. Ba't parang.. nalulungkot ito?

"May kasintahan na siya. She's already in a relationship." pagdaragdag sa sinabi niya.

"Kilala mo ba siya o nagkikita ba kayong dalawa?" tanong ko nito.

Tapos tumingin siya sakin. Hm? Anong meron?

"Oo, kilala ko siya.. Kilalang-kilala at palagi ko siyang nakikita." nagulat ako sa sinabi niya. Gosh! Affair ba ito?

Nakatingin pa rin ito sakin pero inalis din nung nahipuan yata.

"Alam ba niya na may gusto ka sa kanya?" tanong ko nito.

"Hindi.." sabi niya, natahimik siya sandali tapos nagsalita din "Pero kung sakali man malaman niya, baka di na nito ako mapansin kasi sa nakikita ko.. Mahal niya talaga yung boyfriend niya." sabi nito. Nakakaawa naman si Inigo. Biktima ng OSL! One-sided love. Huhu!

Lumapit ako sa kanya at saka ko pinatong yung kamay ko sa likod niya at tinapik-tapik ito. Nagulat ito sa ginawa ko. Ba't ba magugulatin ito?

"Don't be so sad. Hindi lang naman siya yung babae dito sa mundo. Marami pa namang iba diyan na mas karapat-dapat sayo kung sakaling dumating na yung oras at tamang panahon na magkita kayo. At saka.. ituring mo kong isa sa iyong kaibigan at mamahalin kita hanggang sa huling sandali ng ating buhay.." sabi ko nito pero bigla naman itong tumayo at inalis yung kamay ko sa likod nito. Naiilang ba ito?

Tapos inayos na nito yung gamit niya "Ah Febe.. Kailangan ko nang mauna.. May gagawin pa kasi ako sa library.. Sige ah!" sabi nito at nagmamadaling umalis.

Nakakapagtaka naman yung mga kinikilos niya at teka.. Iiwanan niya ba ako dito?

"Wait.. Sama ako.." sabi ko pero agad naman itong kumontra sakin "NO!" sabi nito.

Ako naman yung nagulat sa inasta nito. But why? "Bakit?" pagtatakang tanong ko.

"What I mean is.. Ayoko kasi ng may kasama. Nasisira kasi yung concentration ko. Sorry ah! Ma'ya na lang tayo magkita.. Okay?" sabi nito.

Dreaming on a Famous PoserHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin