CHAPTER 15

8 2 0
                                    

INIGO's

"DUON tayo!" pag-aaya ni Febe sakin.

We are already here in mall. Natapos na kasi yung klase namin at napagdesisyunan na namin na pumunta dito.

Kinuha nito yung kamay ko at saka ako hinila papuntang arcade world.

"Dito tayo Inigo.." tinuturo-turo niya ang claw machine.

"Naku! Mahirap ata ito Febe.." sabi ko sa kanya.

Nagpouty lips ito "Please! Kunin mo na sakin yun.." saka niya tinuro ang mini stuff toy na pikachu. Bakit ang cute nito. And my heart starting running so fast na naman.

Kaya wala akong nagawa kundi mamili ng arcade coins. At saka kami pumunta ulit sa machine.

Naghulog na ito ng coins at saka nagstart nagplay. Pero.. Wala eh! Nahulog..

Naghulog na namin ulit ito pero gaya kanina.. Wala din itong nakuha.

"Kaasar naman!" sabi nito sakin.

I present myself to play "Ako nga.. Subukan ko.." at saka ako nag-play.

Concentrate lang ako sa pagkuha nito at nasungkit ko ito at unti-unti kong inangat ito pataas.. Konti na lang.. And..

"Aishh!" kaasar naman.. Nalaglag pa!

Umulit ako nito pero gaya din kanina, wala pa rin! Nakarami na ako ng try pero wala pa rin.

"Bili na lang kita.. Ang hirap makuha eh!" sabi ko nito sa kanya.

Nagpaawa effect naman ito "Please!!??" may pa santino-santino pa ito.

Wala akong nagawa kundi magpakawala ng malalim na hininga at sinubukan ko ulit.

"Subukan mo ulit.. At isipin mo na makukuha mo ito para sakin Inigo.." sabi nito at saka ko siya tiningnan.

At humarap ito sakin at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis at saka siya nag-thumbs up! Okay.. For the sake of her happiness and my happiness too.

Binaling ko ulit yung tingin ko dun sa machine. Okay! I need to concentrate well para makuha ko ito..

Para sa ikakasaya ng mahal ko..

Pinakawalan ko na ulit yung claw at may nasungkit ito. Dahan-dahan ko itong itinaas.. Konti na lang.. Konti na lang! And..

"YESSS!" pasigaw naming sabi.

Nagtatalon-talon sa saya si Febe at hindi nito napigilan na yumakap sakin. Kaya ito kami ngayon.. Niyayakap niya ako! Ang nagawa ko ay nanigas at nabigla sa ginawa niya.

"Yes! Yes.. Thank you Inigo!" tapos bigla siyang natauhan at tumahimik. Bigla siyang kumiwala sakin. Nailang ito.

"I'm sorry! Di ko lang napigilan." sabi nito na iniiwas yung tingin.

Ngumiti lang ako at saka ko kinuha ang mini pikachu at saka ko nito inabot sa kanya.

"Oh heto na.." tiningnan niya ito at saka unti-unting inabot "Thank you.." sabi nito.

"Welcome.." at saka ako ngumiti sa kanya.

Umalis na kami sa claw machine at sinubukan yung ibang games. Nagtatawanan habang palipat-lipat lang kami ng mga games. Pagkatapos namin sa isa.. Papalit na naman kami. Halos lahat na yata ng game dito ay nasubukan na namin hanggang sa huminto kami. At umupo kami sandali.

"Did you enjoy it?" tanong ko.

"Yah! Superr.. I never felt this kind of enjoyment. Lalo na sa basketball.. I really really enjoy that.. Thank you talaga Inigo." sabi nito sakin na may saya ang mukha.

Dreaming on a Famous PoserWhere stories live. Discover now