CHAPTER 9

8 2 0
                                    

Febe's

NAKARATING na kami sa school at malayo pa lang kita ko na ang babe ko na si Mond.

Ngumiti ito nung nakita ako.. Papunta na sana ito ng biglang kinuyog naman ng mga babae na kung saan-saan sumulpot. Sa'n sila nanggaling?

"MONDDD!! PAPICTURE NAMAN.. KYAAAHHH!" sabi ng mga ito. Seriously? Ang aggresive naman ng mga ito. Pinagtitipunan at pinapalibutan na kasi ng mga ito si Mond. So.. Hindi siya makalakad papunta sa kinaroroonan ko.

Bilang mabait at mapagkumbaba kung boyfriend.. Pinayagan niya nitong makipag-picture at sumenyas sakin na maghintay muna ako. At bilang maunawain at hindi selosang girlfriend.. Pinabayaan ko na lang ito at naghintay hanggang matapos makipagpicture ang mga electric fan niya. Picture lang naman so wala akong ibahala.. Kasi solo ko naman ang puso at katawan nito. NYAHAHAHA!

Tumingin ito banda sakin tapos napansin ko na nag-excuse na ito.

"Ahm! Paumanhin ah.. Susunduin ko lang ang girlfriend ko." dinig kong sabi nito. Oh my! Nakaka-kilig naman..

Pahawak-hawak ako ngayon sa face ko at feeling ko nagba-blush ako ngayon. Tumingin lahat sakin yung mga nagpapicture nito kay Mond at lahat ay mapupusok ang tingin sakin. Parang pinapatay nito ako sa klase ng mga titig nitong lahat. Kung nakakamatay nga lang ito, baka kanina pa ako nililibing nito.

Naglakad na si Mond papunta sakin tapos isa-isa nang umalis ang mga fantards niya. Dinig ko pa itong nagbubulung-bulungan habang umaalis..

"Psh. Panira talaga ng vibes yung echosera na yan." sabi nung isa.

"Oo.. Wala talagang oras na di siya nakakapanira sa araw ko." sagot naman ng kasama nito.

What? Ako pa ang mali eh kayo na nga itong nanlalandi ng taong may nobya na? Wow ha! Grabe naman ang mundong ito ah! Okay lang sana kung magaganda kayo.. Eh kaso, kahit yung kagandahan.. Nahiya sa mga itsura niyo. Ka-badtrip!

Inirapan ko na lang lahat ito at binalewala ang mga sinasabi nito.

Nakalapit na sakin si Mond "Sorry babe! Pinaghintay kita.." paumanhin nito.

"Okay lang.. Tayo na?" sabi ko naman at saka namin pinagpatuloy ang paglalakad namin papuntang room.

After a minutes..

Nakarating na kami sa room at saka umupo. Nagtanong ito "So.. What's up? Saan tayo mamaya?" sabi nito.

"Hah? Bakit? Anong gagawin natin?" tanong ko naman sa kanya.

"Date tayo mamaya. Labas tayong dalawa lang.." sagot nito na may pangiti-ngiti pa.

"Date? Ah.. Sige! Wala naman problema sakin kung saan-saan.." sabi ko naman.

"Oh sige! After class ha!" pagsisiguro nito sakin. Tumango na lang ako.

Tapos ilang saglit pa lang ay may isang agaw pansin na ang nangyari. May tatlong babae kasi na pumasok lang sa classroom namin at pinaalis ang tatlong estudyante na umuupo dito. Ang lakas naman ng apog ng mga babae na ito ah.

"Get out!" sabi nito na ngumunguya-nguya pa ng chewing gum. Umalis yung babae na nagmamadali. Baka siya yung lider ng grupong ito.

Tumingin ito sa hulihan namin. Bale.. Sa may bandang unahan kasi ni Mond ito nakaupo.

"Hi Mond!" pa-cute pang sabi nito at saka ito tumingin sakin at inirapan ako. Aba! May balak pa yatang kalabanin ako ah.

Hindi ito pinansin ni Mond. Haha! Buti nga. at saka binaling nito sakin ang tingin niya "Before pala tayo magdi-date. Siguraduhin mong titext ka kay tita ha. Baka isipin nun, di man tayo nagpaalam sa kanya." sabi nito sakin at saka hinawakan ang kamay ko.

Dreaming on a Famous PoserWhere stories live. Discover now