CHAPTER 20 - Final Chapter

7 2 0
                                    

FEBE's

Flashback

NAGISING ako sa mga seryosong boses na naririnig ko. Ano yung pinag-uusapan nila.

Hindi nito ako naramdamang nagising kaya nakinig na lang ako.

"Ano yung nangyayari kay Febe?" tinig yata ni Inigo.

"She has a serious illness.." Ano? Serious illness? May malubhang sakit ba ako?

"Anong sakit niya?"

"May leukemia siya.. at isang buwan na lang ang itatagal ng buhay niya.." nagsalita si nanay at tumulo yung luha ko bigla. May taning na yung buhay ko..?

Napansin ko na lalapit sa akin si Mond kaya pinikit ko ang mata ko.

Naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko at saka nagsalita "Ayokong mawala ka.. Hindi ko kayang mawala ka sakin Febe.." at saka nito hinalikan yung noo ko.

Gusto kong umiyak pero ayoko itong gawin bagkus ay kinalma ko na lang ang sarili ko at tanggapin ang ibinigay sakin mg diyos. Pinakalma ko ang isipan ko at saka ako tuluyang nakatulog.

End of flashback

"Narinig ko kayong nag-uusap kanina kaya nalaman ko ito." sabi ko kay nanay.

Hindi nakapagsalita si nanay at nakita ko na umiiyak na naman ito "Nay! Tama na.. Nasasaktan lang kasi ako tuwing nakikita kitang umiiyak.." sabi ko.

"Anak.. Magpakatatag ka.. Ipagdarasal kita palagi."

Ngumiti lang ako "I will nay!"

Then niyakap ko ito "Para sayo nay! Magpapakatatag ako.." sabi ko.

Tapos naalala ko bigla si Mond "Nay! Pwede niyo po bang papasukin si Mond. Siya lang po.." tumango ito.

Lumabas na ito at pumasok si Mond.

"Babe? Okay ka lang?" umupo ito sa kama ko.

"Ayoko sanang sabihin ito.. pero galit pa rin ako sayo.." sabi ko sa kanya.

"Patawarin mo ako Febe.."

"Kailan kayo ikakasal?" tanong ko bigla sa kanya. Masakit pero titiisin ko at saka kahit ayoko man.. Di naman kami sa bandang huli.

"Hindi ko siya papakasalan.." sabi nito at nagulat ako.

"Bakit? Dahil naaawa ka sa akin?" sabi ko nito na may halong galit.

Umiling ito "Simula pa lang ay ayoko na nitong magpakasal sa kanya. Yun sana ang sasabihin ko pero di mo ako pinatapos. Ikaw yung mahal at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay.." sabi nito at naiiyak na ako.

"Pero.. Mamatay din ako.." naiiyak kong sabi.

"Hindi ka mamatay. Hindi hawak ng doctor ang buhay mo.. Tanging diyos lang ang nakakaalam ng hangganan nating lahat." Hinalikan nito ang kamay ko "Magtiwala lang tayo.."

"Salamat!" sabi nito at unti-unti nitong linalapit ang mukha niya at tuluyang nagsalubong yung lips namin.

Naghahalikan lang kami nito at naghahabulan ng hininga.

Namiss ko yung halik niya..

Kumiwala ito "Bati na tayo?" pangiti nitong tanong.

"Ano pa sa tingin mo? Magpapahalik ba ako kung hindi?" sagot ko na nakangiti din at hinalikan na naman ako ulit nito. I'm gonna miss his lips.. his tasty soft lips.. and..

..I'm gonna miss him!

Naramdaman ko na tumulo yung luha ko sa may bandang kanan habang naghahalikan kami.

Dreaming on a Famous PoserWhere stories live. Discover now