CHAPTER 2

21 2 0
                                    

FEBE's

NAKAHIGA lang ako dito sa kwarto ko at nag-oonline. Specifically facebook! Iniistalk ko na naman kasi yung mymond ko! hihi..

Then nakita kong wala 'tong update.

Hays! Walang pinagbago!

Profile picture nya lang kasi meron yung album niya tapos nun.. Wala na! Gi-save ko ang picture na ito sa phone at ginawa kong wallpaper ng phone ko.

Tapos ay nag-logged out na ako. Wala rin kasing interesting topics sa news feed ko. So! Pinatong ko na ito sa may patungan ng lampshade ko at saka natulog.

Sweet dreams...

Habang natutulog ako may biglang tumalon sa bintana ko na agad namang kinagising ko. Pagkakita ko sa may bintana, bukas ito.

Pagkaalala ko! Sarado 'to kanina ah!

Pinuntahan ko na lang ito upang isara. Pagharap ko sa kama ko nabigla ako na may nakahiga roon.

"S-Sino ka?" nauutal kong sabi. Pa'no ito nakapasok sa kwarto ko. Natatakot na ako ah.

"Ako 'to!" boses lalake ito at nagulat ako ng humarap ito sakin. Oh your god!

"MOND?" di ko makapaniwalang tanong. Ba't sya nandito? At pa'no nya nalaman ang bahay ko at bakit... mas guwapo sya sa suot niya ngayon. Nakapantulog kasi ito na mas dumagdag sa maamo nitong mukha.

"Oo ako nga 'to! Yung famous poser mo.. At hindi na ngayon." sabi nito na nakangiti. I think! Naiihi ako... Yems~ naman oh! Ba't ka ganyan ngumiti.

Tapos.. Inayos nito ang postura nito at saka tumayo. Pumunta ito sa akin hanggang gahibla na lang ang lapit nito.

"Ah! Mond! Masyado ka yatang malapit hehe~" sabi ko. Sa isip ko okay lang sakin ito.. kahit magkadikit na nito ang mukha namin pero ayokong isipin nya.. Easy to get and tasted ako "Ayaw mo ba na ganito ako?" Di ito naniwala sa sinabi ko bagkus mas linapit pa 'to yung mukha niya.

Dahan-dahang linapit nito ang mukha niya. Gosh! Malapit na ito. Magkadikit na ang ilong namin.. Ikikiss nya ba ako? Ba't ang bilis 'ata.

May biglang pumasok sa isip ko "Pero pa'no ka nakapasok dito?" pagtatakang tanong ko "Ikaw yung tumawag sa akin dito at pinapapunta mo ko bago ka matulog." sabi nito sakin.

Tinuloy nito ang ginagawa nito. Anong ako? Malapit na ito at saka ko pinikit ang mata ko.

"Ebeng! Nak!"

"Waaahhh!" gulat na napabangon ako sa higaan "Hoy! Ba't ka nagsisigaw dyan. Maligo ka na!" sabi ni nanay.

Nagpalinga-linga ako sa buong sulok na aking kwarto. At wala sya na agad ko namang kinalungkot.

Panaginip lang pala ang lahat!

Tumingin ako sa clock and lagpas 6:00am na ito. Ang aga naman akong ginising ni nanay. Di tuloy nagawa namin yung kissing scene namin.

"Nay! Ba't ang aga mo naman akong ginising!" nag-aalburuto kong sabi "Hoy! Hoy! Ebeng.. Kung di kita gigisingin eh naglalaway ka pa ngayon. Malapit na ang school time!" pagdedepensa naman nito.

Kainis naman oh! Inayos ko ang kama ko at saka ako pumasok sa loob ng C.R at naligo.

-----

"SAYANG BES! Andun na sana kami eh! Kaso panira si nanay.." naglalakad-lakad lang kami nito papuntang school.

"Hay naku! Bes! Wala ka na talagang pag-asa." sabi ni Jas na nagsusuklay ng buhok.

"Alam mo bes! Baka you need a partner na talaga para di mo na sya maisip pa.. Baka magkaroon ka ng depression. Sige ka!" sabi naman ni Dona. Ang O.T talaga ni Dona.

Dreaming on a Famous PoserWhere stories live. Discover now