CHAPTER 19

5 2 0
                                    

FEBE's

TULALA lang akong nakatingin sa may bintana ng hospital at pinapakain ako ni nanay pero wala akong gana kahit na katiting na pagkain lang.

"Anak.. Kumain ka naman. Mauubusan ka ng enerhiya niyan sa ginagawa mo.." pag-aaya ni nanay.

Humarap ako nito kay nanay "Wala po talaga akong ganang kumain.. Mamaya na lang po." sabi ko nito.

"Mamaya.. tapos di ka na naman kakain. Anak! Magkakasakit ka niyan.."

Iniba ko nito yung paksa namin "Nay! Kelan po ako makakalabas?" tanong ko nito.

"Hihintayin lang natin yung findings ng doctor sayo at saka tayo lalabas.." sabi ni nanay.

Tapos biglang pumasok ang doctor "Excuse me.. Mrs. Valdez. Would you mind na makausap kita sandali." sabi nung doctor. Sumenyas na ako kay nanay na okay lang ako na pumunta na doon sa doctor at hinawakan yung kamay ko at saka ito lumabas.

Naiwan na naman ako mag-isa. Hay naku! Di ko mapigilan pero.. namimiss ko siya. Tapos bumukas yung pinto at pagkakita ko si.. Inigo! Anong ginagawa nito dito?

Inalis ko ang tingin ko sa kanya "Why are you doing here?" cold kong sabi.

"Kinakamusta lang kita. Okay ka lang ba?" sabi nito.

Tumango lang ako tapos nagsalita na naman siya "I heard that.. You already knew.." tiningnan ko ito "Alam mo na ba ito?"

Natahimik siya "Yes! I was kinda say it to you.. pero ayokong manghimasok sa relationship niyo." sabi nito.

"Bakit niyo linihim ito sa akin? Am I coward to all of you para di niyo ito sabihin sakin at di ko malalaman sa bandang huli?" tumataas na naman ang boses ko.

"I'm sorry.." payuko nitong sabi. Kinalma ko ang aking sarili at saka nagsalita "No! Walang kang kasalanan.. I'm sorry dahil napagtaasan kita ng boses." at saka ako lumingon sa may bintana ulit.

Pumagitna ang katahimikan sa amin. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko at humihikbi na naman. Tuwing naiisip ko kasing ikakasal na nito si Mond sa demonyitang yun, hindi ko mapigilang umiyak. Masakit sa akin na sa tinagal ng pagpaparamdam nito sakin na mahal niya ako ay mauuwi lang pala sa ganitong sitwasyon. Bakit ang unfair..?

Biglang umupo si Inigo at hinawakan nito ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya
"Wag mong solohin yung problema mo.. Diba sabi ko sayo.. Kung kailangan mo nang masasandalan.. Nandito lang ako!"

Bigla nitong dahan-dahang ginalaw yung ulo ko papunta sa bisig nito "Umiyak ka lang hangga't sa gusto mo. Nandito lang ako at dadamayan kita.." at bigla akong napaiyak ng tuluyan.

"Bakit!... Bakit nila.. na gawa sa akin ito.." umiiyak pa rin ako nito at patuloy na dumadaloy yung luha ko. Of all this time.. Si Inigo lang pala ang magpapagaan ng kalooban ko. Kailangan ko talaga ng masasandalan ngayon.

Umiiyak lang ako nito..

-----

MOND's

HINDI na ako tumuloy papasok sa room ni Febe. Narinig ko kasing umiiyak ito.. at sumasandal ito kay Inigo. Wala akong nagawa kundi umiyak lang sa pintuan.

Aalis na lang sana ako nito ng bigla kong nakita ang nanay ni Febe na lumabas na sa Doctor's room. At.. para yatang umiiyak ito? At tinakbo ko ito ng bigla itong napaupo.

"Aunty! Bakit po?" inalalayan ko na itong tumayo at pinapunta sa bakanteng upuan.

Tulala na umiiyak pa rin ito "Bakit po aunty? Ano po yung sabi ng doctor.." confused kong tanong kay aunty.

Dreaming on a Famous PoserWhere stories live. Discover now