CHAPTER 17

7 2 0
                                    

MOND's

"UMALIS KAYO!!"

Nagmamakaawa lang si Mommy kay Daddy at umiyak lang ang nagawa ko. Pinapaalis na kasi kami sa bahay ni Daddy kasi pinagbintangan kami nito sa kasalanang di naman namin ginawa.

"Umalis kayo dito at huwag na huwag kayong magpapakita sa akin." galit na sabi ni Dad.

"Pablo.. Pakinggan mo naman ako. Di ko talaga ginawa yun. Hindi ko alam.. kung bakit nangyari iyon.. Please! Wala kaming mapupuntahan.." pagmamakaawa ni Mommy.

"Hindi ko na kailangan ng explanation mo. I want both of you to get rid of this house.." sabi nito. At bigla itong inutusan yung mga private guards niya "Kaladkarin niyo na yan palabas.." sabi nito.

"Dad! Dad!" yun lang ang nasabi ko habang kinakaladkad kami.

"Pablo.."

Tuluyan ng tumalikod si Daddy at nakita kong nakangisi sa amin si auntie Maribel.. Ang nanay ni Inigo.

Hindi ako mapalagay pero.. ramdam ko na siya yung may kasalanan kaya kami naggaganito.

Nabaling ang tingin ko kay Inigo.. wala itong kibo sa taas at tinititigan lang kami. Naaawa ito samin. Hanggang sa kinaladkad na nito ng nanay niya papunta sa loob.

Napabalikwas ako ng bangon at napaupo bigla. Nanaginip na naman ako.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig. Nauhaw kasi ako bigla.

"Hindi ka makatulog?" nagulat ako nung bigla may nagsalita sa likuran ko.

Pagtingin ko.. si Inigo! Hindi ko nito pinansin at saka nagpatuloy na naglakad papunta sa kwarto ko.

"Hanggang kailan mong itatago ito sa kanya.." napahinto ako nung pagkarinig ko nito.

"It's none of your f*ckng business.." mariin kong sabi sa kanya.

Ngumisi lang ito "Ano kaya yung magiging reaksyon ni Febe kapag nalaman niya na ang secret mo? I think.. It's going to be exciting." sabi nito "Tiyak kong masasaktan ng todo si Febe.." dagdag nito at saka umalis.

Pero huminto ito ulit at saka humarap sakon "And she will going to shun you.." at patawa-tawa itong umalis. Iba na yung kinikilos ni Inigo. At iba na rin yung aura niya.. parang hindi na siya si Inigo na nakilala ko.

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at natulog ulit. Kailangan ko ng enerhiya para sa Regional Olympics na magaganap bukas.

-----

FEBE's

"GOSH!" sabi nina Jas at Dona "Sinabi niya talaga yun? Nakakahiya naman.." pagdaragdag ni Jas.

"At nakakaawa din.. Kawawa naman si Inigo. Huhu!" sabi naman ni Dona.

"Tama na nga yan.. Pumunta na tayo sa Gymnasium baka nagsisimula na yun at ichi-cheer pa natin si Mond." may dala na kasi kaming placards na ginawa namin para kay Mond.

Nagsimula na kaming naglakad papunta roon. Excited na akong makita siyang manalo.

After a minutes..

Narating na namin ang gymnasium at madami nang tao sa loob. Nagtingin-tingin ako sa kauupuan namin at may nakita pa akong bakante. Sa school namin kasi ginanap yung olympics. So.. Maraming tao ito na outsiders para icheer din ang pambato nila.

Dreaming on a Famous PoserOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz