Chapter 24 - Feelings

17 4 0
                                    

Kean Draven's POV

Hindi talaga nagsasalita si Kryzelle tungkol sa kanila ni kuya sa loob ng elevator. Base sa itsura nila nung nabuksan ang elevator, may nangyari sa kanila.

Maaring niyakap ni kuya. Nawalan ng malay si kuya. Mga ganun.

Buti na lang saktong napadaan ako sa elevator at pinagkakaguluhan ng security yung elevator. Hindi ko makontak si kuya kaya naisip kong posibleng nakulong siya sa elevator at tama naman ang hinala ko.

Pagkatapos namin maghiwalay ni Kryzelle, hinatid ko pa siya sa bahay niya. Natanggi siya gawa ng tatay niya but I insisted.

Nagpakilala muna ako bilang bestfriend ni Kryzelle at naniwala naman. Para masanay rin si tito makita akong ganito kay Kryzelle at hindi magulat kapag nagpakilala na akong bilang boyfriend.

Pagkatapos nun, dumiretso agad ako sa bahay at tatadtarin ko ng tanong si kuya. May nangyari, I'm pretty sure. Something happened bukod sa nalaman ni Kryzelle ang tungkol sa cancer.

Sinugod ko siya sa kwarto niya. Pumasok agad ako sa kwarto niya at sumigaw.

"Kuya!"

"Yah! Umayos ka nga! Natutulog ako eh" sabi niya habang nakatulakbong sa kumot.

Umupo ako sa dulo ng kama niya. "May tatanong lang ako and please answer it honestly"

"Ano? Tungkol ba kay Kryzelle yan?" tanong niya. "Oo"

"Ano?"

"May nangyari ba?" tanong ko. Inalis niya yung kumot na nagtatakip sa mukha niya at naupo sa kama.

"I won't do that to her" sagot niya.

"I don't mean sex. I mean, hug or something else" sabi ko. Masyado kasing madumi ang utak ng lalaking to eh.

Umiling siya at napaisip. Para bang hindi siya sigurado sa pag-iling niya.

Sabi na eh.

"Wala naman, wait... may nangyari kasing di ko maalala eh" sabi niya.

"Ano yung huli mong naalala?" tanong ko.

"Inalis niya yung wig at hood ko tapos nakita niya na kalbo ko. Tinanong niya kung kaya ko ba siya iniwan dahil may cancer siya" sabi niya.

"Anong sagot mo?"

"Sabi ko hindi niya ako deserve. Basta hindi ko minention na tama siya pagkatapos niyon, tinanong niya ako kung minahal ko siya" sabi niya.

Nakakastress yung tanong na yun ah.

"S-Sinagot mo?"

"Ayun ang di ko maalala. Ang alam ko hindi ko nagsalita pero may ginawa ako. I can't remember anything" sabi niya at humiga ulit.

"Magpapahinga lang ako, Ven. Sasabihin ko naman sa iyo kapag naalala ko na. Kahit ano pa yang ginawa ko kahit ni-rape ko pa--"

"Ni-rape mo?!" gulat na tanong ko.

"Syempre hindi! Imposibeng gawin ko yun. Mabait kaya ako" sabi niya.

Ngumisi ako "Talaga ba?". Bumangon siya ulit para batukan ako.

"Matulog ka na. Wag kang magpuyat" sabi niya.

Tumayo ako at tumango "Geh, good night kuya"

"Good night, Ven" habol niya at umalis ako ng kwarto niya.

~~

Break time namin ngayon sa practice ng banda. Nakakaano lang yung feeling na blooming na blooming na si Kuya Sky. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lee Brothers And MeWhere stories live. Discover now