Prologue

76 7 31
                                    

This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

If there are wrong information in this story (ex: system of grading in college) please forgive and inform me. Wala pa akong masyadong alam diyan at nagtanong tanong lang ako. Grade 8 pa lang po ako.

This story is inspired by Destined

---

Kryzelle's POV

Monthsary na namin ni Dravis at nagkasundo kaming magkikita sa park. Tuwing monthsary namin, dito kami laging nagkikita dahil marami kaming nabuong alaala sa lugar na ito.

1 and a half years na kaming nag-iibigan ni Dravis. Four years ang tanda niya sa akin at college na siya samantalang ako ay senior high pa lang.

Umupo muna ako sa bench na ito habang hinihintay si Dravis. Inilibot ko ang mata ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Si Dravis... may kahalikan na iba.

At... ex-girlfriend niya iyon.

Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko. Pagkatapos nilang maghalikan, nakita ako ni Dravis.

Tiningnan niya ako at gaya ko, gulat na gulat rin siya.

Bakit siya magugulat? Hindi ba expected naman na nandito ako?!

Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ng puso ko lalo na kapag nakikita ko si Dravis.

Tumakbo ako palayo. Sinubukan kong lumingon para makita siya at umaasang hinahabol niya ako ngunit hindi at dahil doon, may nabangga akong lalaki.

Malakas ang pagkabangga ko sa kaniya dahil mabilis ang pagtakbo ko. Kaya napahiga siya sa sahig at ako naman ay nasa ibabaw niya.

Nanlaki parehas ang mata namin. Agad akong umalis sa ibabaw niya at tumayo.

"Sorry, sorry, sorry" sabi ko. Tinulungan ko siyang tumayo at niyakap niya ako.

"Alam ko ang dahilan kung bakit ka naiyak. Alam kong sinaktan ka ni kuya Dravis. As a bestfriend, ayaw kong nasasaktan ka" sabi niya.

Siya si Draven, ang bestfriend ko simula pa noong elementary. Maraming nakakaakalang magkasintahan kami pero hindi iyon totoo. Bestfriend lang talaga ang turing namin sa isa't isa.

At oo, kapatid niya yung manloloko kong boyfriend.

"Tutulungan kita maka move on"

Napatitig ako sa mata niyang puno ng alala. Buti na lang may bestfriend akong gaya niya na handa akong tulungan sa lahat ng bagay.

Ibang iba sa kuya niyang manloloko.

I wish I could move on easily with his help. I wish I could forget his brother.

I will forget you, Kyle Dravis Lee.

The Lee Brothers And MeWhere stories live. Discover now