Chapter 18 - Performance

22 5 0
                                    

Kryzelle's POV

Time flies at final day na ng test ngayon. Magkakasama kami ngayon sa may canteen at nagrereview. As usual, kami nina Rhylle, Bea at Kean.

Nasasanay na rin ako sa pagtawag sa kaniya ng Kean.

"Tol, paturo naman nung formula sa physics" sabi ni Rhylle kay Kean tapos nilapitan naman siya ni Kean at tinuruan si Rhylle.

Matatalino sina Kean at Dravis. Ang talino ng magkapatid na yun! Ang pagkakaalam ko nasa 190 something ang IQ ni Dravis basta halos 200 na. Advanced pa nga siya mag-aral eh. 22 years old pa lang siya pero yung year level niya sa medicine ay mataas na kumbaga mostly ang mga kaklase niya ay 25 years old na. Tapos kapag elementary naman, kunyare Grade 6 na siya pero mga 9 or 10 years old pa lang siya.

Si Kean naman hindi advanced pero dapat mag-advance na siya at isa pang halimaw ang utak nito!

Paano maging kasing talino nila?

Tinawag na kami ng proctor namin at nagsimula na ang test. And yes, physics nga yung subject.

Habang nagsasagot ako, bigla na lang akong nahilo nang nakita ko yung problem tapos nalimutan ko yung formula! Pilit kong irecall sa utak ko yung formula pero walang nangyayari ako.

Tumingin ako kay Kean at napatingin din naman siya sa akin. Parehas ba kami ng iniisip? Parehas ba kaming nakalimot ng formula?

Ningitian niya ako at nag okay sign. Ngumiti akong pabalik at nag okay sign rin. Ibinalik ko ang atensyon ko sa questionnaire.

Pagkabasa ko ulit sa problem, bigla kong naalala yung formula. Agad kong kinuha yung scientific calculator ko at sinolve yung problem.

Pagkatapos naming mag-test. Naggala muna kaming apat sa mall. Stress reliever sa mga nakaraang araw na puro puyatan at stress sa pagrereview.

Nagiinom lang kami ng milktea at kumain ng ice cream tapos nagiikot sa mall.

"Guys, babalik na ako sa school. May practice pa kami sa choir. Bye guys!" paalam ni Bea. Napatingin naman ako sa relo ko, oo nga 4PM na. Practice na nila.

"Geh, samahan ko muna si Bea" paalam ni Rhylle.

I smell something fishy na talaga sa dalawang 'to.

"Bye!" paalam namin ni Kean sa kanila.

Pinagmamasdan namin sina Rhylle at Bea habang naglalakad palayo. Nabigla ako sa ginawa ni Rhylle. Inakbayan niya si Bea!

"Sila na?" react ni Kean.

"Malay ko. Ba't mo ako tinatanong?" sabi ko.

Inakbayan niya rin ako at nilapit ako sa kaniya. "Eh tayo? Ano bang meron tayo?" sabi niya.

"Uhh... sa tingin mo, ano?" sagot ko.

Hindi din naman nakasagot si Kean. "Uhm, ano bang nararamdaman mo? Kaibigan pa rin talaga ako para sa'yo?" tanong niya.

Ano na nga ba siya sa akin?

"Hindi ko alam, Kean. Hindi ko pa alam" sagot ko. I have to answer honestly. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tingin ko kay Kean. Kung bestfriend pa rin ba o manliligaw na.

"Okay. Don't rush yourself to answer all of those questions in your mind" sabi niya. "Masasagot rin ang mga tanong na yan paunti unti" dagdag pa niya.

Bigla na lang nagvibrate yung phone at kinuha naman niya agad yun.

"Ah, Kryzelle I have to go. May practice pa daw kami ng banda. May performance nga pala kami bukas" sabi niya parang nabigla rin siya. Nalimutan siguro niya gawa ng test.

The Lee Brothers And MeWhere stories live. Discover now