Chapter 8 - His Bright Side

26 6 0
                                    

Kryzelle's POV

"Good morning class" sabi ni sir pagkapasok na pagkapasok niya ng room. Tumayo naman kaming lahat at naggreet "Good morning Sir Alvarez it's nice to see you"

"Okay, you may sit down"

"Thank you, sir Alvarez" sabi namin at umupo kaming lahat. Buti naman nakaupo kaming lahat nung pumasok si sir eh usually maraming nakatayo sa amin feeling supervisor.

"Class, you will going to have a group project. It's just researching about psychology and presentation will start on Friday. I'm the one who will choose the group members and ako ang magdedecide kung alin ang dalawang group na magpepresent on Friday and the others will present on Monday, Tuesday onwards" sabi ni Sir.

"Stand up when I call your surname and better list down your groupmates" sabi pa ni sir.

"Lee" sabi ni sir at tumayo si Draven.

"Villanueva" sabi ni sir at napa 'yes' naman si Rhylle at tumayo.

"Antonio" sabi ni sir at tumayo si Bea.

"Florencio" sabi ni sir at tumayo naman ako. Tinandaan ko yung mga kagroupmates ko at madali lang naman tandaan since yung tatlo lang naman yun.

"That's the group 1. 4 members per group" sabi ni sir. "Ilista niga kagroup niyo then sit down" sabi ni sir at umupo rin naman kaming apat.

In-announce yung ibang group at nang matapos siya, pinasulat sa isang 1/4 na paper ang group at group members at ishu-shuffle niya iyon at kung ano ang mabunot niya, ayun ang unang magpepresent which is on Friday na.

"Group 1, group ni Lee" sabi ni sir. Hala! Bakit kami agad agad?! Nakakatamad pa naman gumawa niyan!

"Group 3, group ni Castillo" sabi ni sir at nanlambot naman sina Castillo.

"Group 2 and group 4 on monday" sabi ni sir. "Group 1 and 3, get ready. Ang presentation na ine-expect ko ay hindi pang Junior High School at lalo na ang elementary. Kaya paghandaan, understood?" sabi ni sir.

"Yes, sir" sagot naming lahat.

"Okay, now, get your book and open on page 123" sabi ni sir at kinuha naman namin ang book namin.

Nagdiscuss si sir tungkol din naman sa depression kaya kahit paaano may idea na rin kami sa psychology.

Hindi nagtagal nagdismiss rin si sir. Nagmeeting kaming apat ngayon at pag-uusapan kung kailan gagawin yung presentation.

"Kailan natin gagawin?" tanong ni Bea.

"Mas maganda mamayang awas para bukas naman ay irereview na lang natin ang sasabihin natin. You guys know sir Alvarez pagdating sa mga ganito" sabi ni Draven.

"Oo nga, Wednesday ngayon tapos Friday ipe-present. Kaninong bahay gagawin? Hindi ba dapat tulungan tayo sa paggawa nito?" sabi ni Rhylle.

"Oo, dapat lang na tulungan tayo. Sa tingin niyo, kaninong bahay?" sabi ko at tumingin kay Draven. Sina Rhylle at Bea naman ay tumingin rin kay Draven.

"Bakit kayo nakatingin sa akin?!" tanong ni Draven.

"Sa bahay niyo na lang? May higante kayong library doon" sabi ni Rhylle.

"Oo nga, Draven. Sa bahay niyo na lang" sabi ni Bea.

"Sige na nga, after class diretso tayo sa bahay ko" sabi ni Draven. "How about you, Bea? Wala ka bang practice sa choir?" tanong ni Draven.

"Wala kaming practice this week" sagot ni Bea.

"So sige, guys sabay sabay tayo papunta sa bahay ko mamaya" sabi ni Draven.

The Lee Brothers And MeWhere stories live. Discover now