Chapter 16 - Friends?

31 6 1
                                    

Kryzelle's POV

Nasabi sa akin ni Draven kahapon na makikilala na daw niya ang mga bandmates niya.

Hindi kami nagkausap kahapon kahit sa text man lang. Ano kaya ginawa ng mga kabanda niya sa kaniya at di na yun nagtext sa akin?

Namiss ko tuloy siya.

Nag-ready na ako para sa school at kumain ng almusal. Si kuya, tulog pa rin. Mamaya pa kasing tanghali ang klase niya. Wala tuloy naputol sa tulog niya. Kaso nga lang, may klase siya hanggang 8PM.

Sa pagpasok ko sa campus hanggang sa pagpasok ko sa room, may mga nagbubulungan at nabati pa rin sa akin.

Biglang sikat ko noong kumalat ang balita na 'kami' na ni Draven.

Nakasalubong ko si Draven sa hallway papuntang room.

"Kryzelle!" bati niya sa akin at kumaway. Good mood ata 'to ah. Ano kaya ginawa sa kanya nga mga kabanda niya?

"Draven? Mukhang good mood ka ata ngayon?"

"Ngayon lang naman gumanda ang mood ko eh" sabi niya at tiningnan ako sa mata. "Makita lang kita, masaya na ako"

Ito na naman siya!

"Draven!--" humalakhak siya.

"Kilig ka?" sabi niya at umastang siya yung kinikilig. "Bakla, ilalagay ko muna mga gamit ko sa room--"

"Anong bakla?!" sa lakas ng boses niya, maraming nagtinginan sa amin.

"Paano mo nasabing bakla ako?" tanong niya.

"Diyan ka na nga. Ilalagay ko muna 'to sa room" sabi ko at iniwanan siya. Ilalagay ko lang naman ito sa room ang hirap kayang may daladalang bag.

Hindi nagtagal, nagring ang bell at nagsipasukan na ang lahat ng estudyante. Maraming pinagawa sa aming activities tapos itong araw na 'to ang pasahan kaya kahit lunch at recess, may ginagawa kami at wala nang oras pa para makapagkwentuhan.

After dismissal, nag-ayang gumala si Bea at sumama naman kami nina Rhylle at Draven.

"Ang daming pinagawa sa atin ngayon noh?" sabi ni Bea.

"Oo nga! Robot ata tingin sa atin!" si Rhylle.

"Nakakainis din minsan ah. Tao kami di robot!" si Bea.

"Wala tayong magagawa, estudyante pa rin tayo" biglang singit ni Draven.

"Oo nga, kahit anong reklamo ang gawin natin. Lalo't parang college na rin tayo" dagdag ko pa.

"Sa bagay.." si Rhylle.

"Hoy, Draven. Nabalitaan ko na nag-audition ka noong sabado, bakit hindi mo kami ininform?!" sabi ni Bea kay Draven. Napaatras ng konti si Draven kay Bea.

"Sasabihin ko rin naman sa inyo. I just wanna surprise you--"

"Surprise mo mukha mo, sa tingin mo hindi namin yun malalaman eh alam mo naman yung page sa Twitter, di ba? Kalat ka na rin doon" sabi ni Rhylle.

Talagang matindi ang mga admin ng Chikabells ah. Nananahimik na nga si Draven dito eh.

"Pero, nakapasok ka di ba?! Congrats!" sabi ni Bea.

"Salamat" humble na sagot ni Draven.

"Kamusta mga bandmates mo?" tanong ko. At anong pinakain sa'yo ng mga yun?

"They're all good. Nakasundo ko agad sila. By the way, dito lang din pala sila nag-aaral" sabi ni Draven.

Eh?!

The Lee Brothers And MeWhere stories live. Discover now