Chapter 3 - Birthday

33 7 8
                                    

Kryzelle's POV

Isang linggo na rin ang nakalipas nang lokohin ako ni Dravis. Tuwing nakikita ko siya, nagmamatapang na lang ako pero napakasakit pa rin sa kalooban ko.

Si Draven, lagi pa ring concern sa akin. Naiintindihan ko siya na parang nakokonsensiya na rin siya para sa kuya niya. Dahil niloko at sinaktan ako ng kuya niya at best friend ko naman siya.

Lagi niyang pinapaalala sa akin na don't rush things

Mahirap mag move on lalo't minahal ko siya ng sobra. Sa bagay, may karapatan din naman ako masaktan ng ganito dahil nagpakatanga naman ako magmahal ng ganitong wagas sa taong alam ko naman na manloloko.

Nagkulang ba ako? Bakit niya ba ito ginawa sa akin? Minahal ko naman siya ng buong puso ko. Sineryoso ko naman ang relasyon namin kaso mukhang wala lang naman 'yun sa kaniya.

Isang taon kaming nagmamahalan kaso mukhang niloloko rin niya ako sa loob ng isang taon na iyon.

Ang pag-ibig talaga nakakatanga

Ipinikit ko ang mata ko at tumingala. Nararamdaman ko ang simoy ng pasko dahil malamig na ang hangin.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you~~"

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Draven sa harap ko na may dalang cake.

"Happy Birthday Kryzelle. Sorry, boses kalabaw ako. Pero here you go" sabi niya at inabot sa akin yung cake.

Maiiyak na ako ngayon. Hindi dahil sa lungkot, kundi sa saya. Dahil sa mga problemang dinadaanan ko ngayon, nalimutan ko na kaarawan ko pala ngayon. Napakamiserable ko talaga.

"'Wag ka na umiyak. Naaano ako na sana di na kang kita kinantahan. Baka naiyak ka sa boses kong kalabaw" sabi niya.

Bigla na lang ako natawa. Maganda naman ang boses ni Draven kaso ewan ko ba sa kaniya ang baba ng confidence niya pagdating sa singing.

"Maganda naman ang boses mo ah" sabi ko.

"Hindi, niloloko niyo lang ako. Para akong kalabaw na kinakatay" sabi pa niya.

Kalabaw na nga kinakatay pa. Kalokohan rin ng lalaking 'to. Ang ganda naman talaga ng boses niya eh, para siyang anghel kaso ewan ko ba sa kaniya. Para sa kaniya, boses kalabaw siya.

"Kain na muna tayo ng cake" sabi ko at may kinuha si Draven sa bag niya. Dalawang disposable na tinidor.

"Ready na ready ah" sabi ko. Parang boys scouts na ito eh.

"Syempre alangan naman magkamay tayo dito" sabi niya. Ang funny at masaya siyang kasama kaya hindi ka mabo-bored kapag kasama siya.

Strawberry chiffon cake ang binili ni Draven na may 'Happy Birthday Kryzelle' na nakasulat. Napaka thoughtful ni Draven and sweet. I'm lucky that I have a bestfriend like him.

Kaso... dahil kalat na ang issue tungkol sa aming tatlo nina Dravis at Andrea dahil sikat si Dravis sa school since top student siya at sikat pa na dancer tapos heartthrob pa at ganun din si Andrea, parehas silang sikat because of their looks. At doon sa nasabi ko kayna Andrea, mukhang kalat na na nililigawan ako ni Draven. Hay bwisit pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko kay Dravis, ayoko lang magmukhang kawawa.

Hindi ko na naisip ang mangyayari after nun, talagang pag broken hearted, slow na. Di ko na naisip yun. Damn it.

But Draven and I treat each other as bestfriends and nothing more than that. Mukhang wala naman mali doon at alam namin kung ano ang totoo.

The Lee Brothers And MeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt