Chapter 4 - Quit

22 6 0
                                    

Kryzelle's POV

From: Dravis
Practice on big gym, 4 PM

Malapit na rin mag 4 ngayon kaya papunta na ako sa big gym. Pagkadating ko doon, sina Tyrone, Alice at Dravis pa lang ang tao at nagpa-practice na rin sila. Si Dravis rin ang leader ng dance group namin kaya siya yung nagtetext at nagpapaalala sa amin.

"Dravis..." tawag ko sa kaniya kaya tumigil siya. Tiningnan niya ako at napaka-cold ng expression ng mukha niya.

"Oh?"

Ang cold niya grabe. Samantalang napaka-sweet niya bago ko pa nahuli sila ni Andrea.

"Mag-usap tayo" sabi ko. Pumunta kami sa labas ng big gym at doon mag-uusap.

"About what?" lumapit siya sa akin pero blanko pa rin ang mukha niya. Tiningnan ko siya sa mata, ang sakit pa rin talaga. Sobrang sakit pa rin.

"Aalis na ako ng dance group" sabi ko.

"Why?" cold niyang sagot. "Is it because of us? Are you still that affected?" tanong niya.

Hindi ako nakasagot. Oo, affected ako pero hindi ko dapat ipakita sa kaniya.

"I just want to focus more on my stud--"

"Whatever. Kahit anong excuse pa yan, I know the reason" sabi niya ay tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Not bad, but I'm leaving too" sabi niya. Ano daw?! Dancing ang pinakahilig niya at imposibleng ayawan niya ito.

"Huh? Bakit? Hindi na lang ako aalis--"

"Kahit hindi ka aalis, aalis pa rin ako. Ayun rin ang sasabihin ko sa inyo. Ikaw sana ang susunod na leader kaso aalis ka na rin naman pala" sabi niya.

Bakit? Anong dahilan?

"Bakit ka naman aalis? Di ba passion mo ang dancing?"

"I want to focus more on my studies. It's getting harder and harder especially medicine pa ang course ko tapos cardio pa yung kinukuha ko" sabi niya.

Nabanggit niya sa akin noon na dedicated talaga siya maging doctor sa heart dahil ito daw yung ikinamatay ng daddy niya noong 4 years old pa lang daw siya. Hindi nga daw naabutan ni Draven yung daddy nila eh. Ang sad.

"I understand pero sino ang susunod na leader?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Pero si Tyrone ang bet ko" sabi niya. "He's good at making choreo at magaling din naman siya mag-lead" sabi niya.

"Okay, tara na. Let's go inside" sabi niya.

Hinintay namin yung ibang members. Nang nakarating na sina Ryan at Yrene, inannounce ma ni Dravis na aalis na kaming dalawa. At tama nga, si Tyrone na ang bagong leader.

"Kryzelle, seryoso? Bakit ka aalis? Napakalaki ng potential mo dito at may talent ka" sabi ni Yrene.

"Ayoko na. Si Dravis lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito. Alam niyo naman ang nangyari sa amin di ba? Tsaka hindi ko talaga hilig ang dancing" sabi ko.

"Sayang, may talent ka pa naman pero sige, mamimiss kita" sabi ni Alice at niyakap ako.

"Mamimiss rin kita" sabi ko at niyakap siya pabalik.

"Huy sali ako!" Sabi ni Yrene at nagkayakapan na kaming tatlo.

Pagkatapos namin magkayakapan, nakita ko si Dravis sa malayo na nakatingin ng seryoso sa akin. Tiningnan ko rin siya at umiwas naman siya ng tingin.

Problema nun?

"Sige, aalis na muna ako. May gagawin pa akong assignment eh" sabi ko.

"Sige, bye Kryzelle!"

The Lee Brothers And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon