Chapter 19 - Confession

21 5 0
                                    

Kryzelle's POV

"Mommy, sisimba lang po kami ni Draven" paalam ko kay mommy habang maytina-type siya sa laptop. Sinilip ko yung laptop at ka-chat niya lang si Daddy habang nagbabasa ng inbox sa Yahoo for the company.

"Kayo lang dalawa?" tanong niya ulit habang nagta-type.

"O-Opo" sagot ko.

"Lagi na kayong magkasama ni Draven ah. Nanliligaw na ba siya sa'yo?" tanong niya.

Anong nakain niya at natanong niya 'yun?

"Ma? Hindi po" sagot ko.

"Ah ganun ba. Lagi kasi kayong magkasama. Hindi mo ba siya nagugustuhan? Mabait naman kasi si Draven tapos gwapo pa. Mas matino pa yan kaysa sa kapatid niya" sabi ni mommy.

"Alam mo, halos isang buwan na kayo wala ni Dravis. Baka bukas na ang puso mo sa iba" dagdag pa niya.

Mukha ngang bukas na.

"Ah sige, sumimba na kayo. Basta text mo ako pag pauwi na kayo" sabi ni mommy at ngumiting may malisya. Diniinan pa talaga niya ang salitang 'kayo'

Lalabas na sana ako ng bahay nang makasalubong ko si kuya na nagdidilig ng halaman.

"Hoy babae saan ka pupunta?"

"Sisimba" sagot ko at patuloy pa rin sa paglalakad kaso hinarangan niya ako. Naka-sando ngayon si kuya at kita mo ang muscles niya. Maraming babaeng nababaliw sa katawan ni kuya kaso sanay na ako sa kaniya at araw araw ko nang nakikita eh!

Pwedeng mag model si kuya I swear. Gwapo si kuya tapos maganda pa yung katawan.

"Sisimba kang mag-isa or may kasama ka?" tanong ni kuya at sakto namang may tumawag sa labas.

"Hi Kryzelle and Kuya Kai!" bati ni Kean na may pakawaykaway pa na parang bata. Ang cute niya.

"Ayan ba kasama mo?" tanong ni Kuya, tumango naman ako. Pinapasok ni Kuya si Kean tapos may sinabi si kuya kay Kean at tumango naman si Kean. Hindi ko nga lang narinig ang hina kasi masyado ng boses ni Kuya.

"Let's go na Kryz" sabi ni Kean tapo hinawakan pa yung kamay ko na ikinagulat ko.

Hinawakan niya kamay ko sa harap ni Kuya?!

Inalis ko yung pagkahawak niya sa kamay ko at sinulyapan si Kuya.

"Draven ha alagaan mo kapatid ko!" sabi ni Kuya.

Ano daw?!

"Syempre mahal ko eh" sagot ni Kean tapos kinindatan ako.

Ang pinagusapan ba nila ay ang panliligaw sa akin ni Kean tapos pumayag si Kuya?!

Nagpaalam na kami kay Kuya tapos pumunta na kami ng simbahan at umattend ng misa.

Nakinig kami sa misa pati na rin sa Homily tapos noong maghahawak na ng kamay para sa Ama Namin, bumilis ang tibok ng puso ko.

Magkahawak kami ng kamay ngayon at sabay nakanta ng Ama Namin sa harap ng Diyos. Palagi kaming nagkakahawak ng kamay but this one is different.

"Sana mahalikan kita dito" bulong sa akin ni Kean. Ano daw? Halikan niya ako dito eh ang dami daming tao tapos simbahan pa ito noh!

I get it pero baka iba yung ibig niyang sabihin . Hindi naman ako sobrang slow noh.

"Hoy simbahan ito" bulong ko pabalik.

"Oo nga, sana mahalikan kita dito at maraming nanonood tapos nasa may altar pa tayo. Ang slow mo rin pala" sabi niya.

So ayun nga yung point niya.

The Lee Brothers And MeWhere stories live. Discover now