CHAPTER 35 Sky and Josette ♥

1.7K 29 8
                                    

"Hi Sky! Pwede bang magpaturo sa iyo nitong anal chem natin?” tanong ng classmate naming si Sofia na agad namang tumabi sa kanya at nakisiksik. Nasa bahaging likod ako ng classroom kaya naman tanaw na tanaw ko silang dalawa na nag- uusap. “Anal Chem? Anal?” tanong ni Sky na parang may halong pagkagreen sa tono ng boses niya na medyo natatawa. Kailan pa siya naging ganyan ha? At talaga bang nananadya yang kulangot na iyan ha? “ Oo, anal? bakit Sky?” Pagpapacute naman ni Sofia tapos lumapit pa ito ng bahagya sa lalaking kung makatitig naman sa kanya ay wagas. Parang nagtatayuan ang mga balahibo ko sa inis. (O baka sa Selos? Haha.) Kung makapagside comment naman author?

Umalis ang prof namin sa ANALYTICAL CHEM at nag-iwan ng seatwork. Analytical iyon?! Hindi Anal?! Doon siya sa mga Nursing! Para maapply niya iyang anal -anal niya sa human anatomy!!!! Teka? Bakit ba ang init init ng dugo ko… Lumapit ako sa kinauupuan nila…

“Tabi nga! Kung makapatong ng mga gamit sa desk ko!” reklamo ko kay Sky na sa ngayon ay nakikipag usap kay Sofia habang nakapatong iyong kamay niya sa mga libro na nakapatong naman sa desk ko. Hindi niya ako pinansin kaya naman mas lalo akong nainis.

“Ehem! TABI NGAAAAAA?!!!!!” paecho echo ko pang sinasabi sa tainga niya na naging dahilan kung bakit naagaw ko ang atensyon niya mula sa babaeng higad na kausap niya.

“JOSETTE?! Ano ka ba?! May problema ba?” tanong nito at iritableng nakatingin sa akin.

“Excuse me lang ha?! Nakaharang kasi iyong mga gamit mo sa desk ko oh?! See?” reklamo ko pero mukhang wala talaga sa mood si Sky para tutukan ako.

“Eh di tanggalin mo.” Sagot nito sa akin.

“Aba’t…” tapos ibinalandra ko sa sahig iyong mga gamit niya. Aba’y bakit ko nga ba ginawa iyon? Sadyang mainit lang talaga ang ulo ko. Nagkaroon tuloy ng commotion kaya naman napatingin ang lahat sa amin.

“Josette, okay ka lang ba?” tanong naman ni Sofia habang si Sky ay isa isang pinupulot ang mga nagkalat niyang libro. Inirapan ko lang si Sofia.

“Hoy babae! Ano bang problema mo?!!” galit na sigaw sa akin ni Sky, seriously galit siya at hindi siya nagbibiro.

Nagulat ako sa naging reaction niya kaya naman bigla akong nakaramdam ng takot at mangiyak ngiyak sa harap niya.  Ano bang nangyayari sa akin? Ano nga ba ang problema ko?

“Mukhang nagseselos siya, Sky?” pabulong na sabi ni Sofia na narinig ko naman. Bigla akong naunahan ng pagkahiya at inis kaya naman napatayo ako sa upuan ko at nagwalk out. Hindi ko na narinig ang kung ano pang sinabi ni Sky pagkatapos nun.

Naiinis ako. Naiinis ako sa katotohanan na kami nga pero hindi kami dahil wala ngang ‘official’ or formal ‘I dos’ kung baga walang magpapatunay na may relationship kami or commitment sa isa’t isa. It just pop out of nowhere? Oh baka nag-aassume lang ako sa mga bagay na panaginip lang o wala naman talaga?

Pakiramdam ko naapakan iyong pride ko sa nangyari, bakit naman kasi padalos dalos ako sa aking mga ginagawa. Hayan! At nagalit sa akin si Sky! Eh samantalang wala naman siyang ginagawang masama kundi ishare lang ang nalalaman niya sa aming mga kaklase.

Ang tanga mo talaga Josette! Napakamalisyosa mo! Napakakitid ng pag- uutak mo! Ang sarap isahog sa sisig! Napakinabangan pa sana! Arrrrrrgggggh….

Tumakbo ako ng mabilis. Wala akong pakialam kung may mababangga akong mga tao sa corridor basta ayoko lang makita nila ang tumutulo kong mga luha. Narinig ko pa ang boses ni best na nagtatanong kung anong nangyari sa akin. Hindi ko siya pinansin, hinabol niya ako pero hindi niya ako naabutan hanggang sa nakalabas na ako ng building.

Doon ko pinunasan ang namamasa kong mga mata. Aish. Ang bobo ko talaga pagdating sa pag- ibig, pagdating sa kanya…

Umiiba ang timpla ko kapag nakikita siyang may kasama or kausap na iba. Pati pag- iisip ko naapektuhan narin.

The Martyr GirlfriendWhere stories live. Discover now