CHAPTER 22 1251

5.2K 62 12
                                    

Lumapit ako kay Sky na isa isa namang pinupulot ang mga nagkalat na art materials sa sahig nang mall. Laman ng plastic na dinampot ko ang isang rim ng short bond papers, mga construction papers at special papers. Si Sky naman ang pumulot sa mga nagkalat na markers, scotch tapes, pens at scrap book designs.

“Gad Ash! Ang swerte naman natin…” bulalas ni Sky nahalatang nagpapanggap na masigla matapos ang nangyari kanina. Pinili ko na lamang din ang magpatay malisya para hindi na maging awkward sa aming dalawa.

Hai. I wish matapos na ni best ang pagpila diyan sa manga artist na iyan!

Leche naman oh, ang tagal niya.

“Ano ka ba naman Sky?! Ibalik natin iyan sa may ari. Maganda pa ibigay natin iyan sa customer service!” palag ko sa ideyang pumapasok sa kukote ng lalaking kasama ko na may mataas na ngiti habang nagpupulot nang mga gamit.

“Sa akin iyan…” isang lalaki ang lumapit sa amin upang bawiin ang nagkalat na gamit. Nakayuko kami ni Sky kaya naman hindi namin kaagad napansin ang pagdating nang lalaki. Bigla naman akong kinabahan nang marinig ang boses niya, napatigil din si Sky sa ginagawa niya at sabay kaming napatingala sa lalaking lumapit sa amin…

Parang huminto ang pagtibok nang puso ko nang makita ko kung sino ang lalaking ito. Nanlaki ang aking mga mata at natigilan ako sa sobrang pagkabigla.

Dahan-dahan namang tumayo si Sky habang nagpapagpag  nang damit at marahang inalalayan ako para tumayo. Bitbit bitbit ko ang plastic na mukhang pagmamay-ari niya nga.

After nang closure hindi ko na siya muling nakita at ito ang unang beses na nagkita kami ulit. Kaya naman, hindi ko mapigilan ang aking sarili na mabigla sa nararanasan kong situation ngayon.

Iniwas ko ang mga tingin ko sa kanya at bahagyang nagtago sa likod ni Sky. Naramdaman naman ni Sky kung ano ang nangyayari sa akin kaya naman hindi niya hinayaan na maging awkward ang situation sa pagitan naming tatlo. Napakagat lang nang labi si Sky, alam kong nagpipigil din siya ng kanyang emosyon.

“Grey…” mahinang sambit ni Sky tapos hinablot niya sa akin iyong plastic bag at ibinalik sa lalaking nasa harapan namin.

Hindi ko ninais na makita ang reaction nang mukha ni Grey kaya naman ni isang beses ay hindi ko siya tiningnan.

“Salamat…” ang tanging narinig kong sinambit ni Grey tapos ay naglakad na ito palayo nang makuha niya ang plastic bag.

Napakapit naman ako sa likod ni Sky at bahagyang nakahinga nang maluwag nang makalayo na ang lalakeng minsan akong minahal.

Humarap sa akin si Sky, “Tara na, Ash… Hanapin na natin si Josette.” Tapos ngumiti siya sa akin at marahang inakbayan ako. Hinayaan ko siyang gawin ang pag-akbay dahil alam kong sa mga oras na ito ay kailangan ko ang suporta at kalinga ni Sky.

Bakit sa dinami dami nang taong nandidito sa mall ay si Grey pa ang nagmamay-ari nang plastic bag na nakita namin?

Bakit niya naiwanan ang plastic bag na iyon malapit sa amin?

Nagiispace out ako kaya naman hindi ko namalayan na kinakausap pala ako ni Sky.

“Ash! Ash!” tawag niya sa akin tapos napatingin na ako sa kanya. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

“Ano iyon, Sky?” tanong ko sa kanya matapos ako bumalik sa aking mga senses. Ngumiti ako para huwag na itong mag-alala pa sa akin.

“Ang hirap hanapin ni Josette…” bulalas niya tapos napakamot ito nang ulo. Sa di ko malamang dahilan alam kong nababasa ni Sky ang aking naiisip.

“Nandiyan lang iyan sa tabi-tabi Sky, ano pang silbi nang cellphone if hindi natin siya itetext?” tanong ko sa kanya tapos biglang namula si Sky. Pati siya natorete din sa nangyari kanina kaya naman parang hindi  na gumagana ang isip niya.

The Martyr GirlfriendWhere stories live. Discover now