CHAPTER 30 Grey's Efforts Ver. 2.0

3.7K 48 5
                                    

Nag-aalala ako para kay Sky habang nakikita ko siyang ipinapasok sa emergency room. Alam kong malaki ang pinsala na naidulot sa kanya nang mahulog sila ni best sa bangin. Lumapit ako kay Josette na nakaupo ngayon sa waiting area, hindi kalayuan sa ER. Nakayuko lang siya na tila nananalangin habang suot parin nito ang tshirt ni Sky. Sabagay, swimsuit lang din ang suot nito katulad ko. Buti nalang at nakabathrobe ako. Hindi na kasi kami nagkaroon nang chance na magpalit pa ng damit.

"Best..." panimula ko nang maupo ako sa tabi niya. "Ayos ka lang ba? Gusto mo bang umuwi na muna?" ang mahinahon kong tanong sa kanya habang yakap ko siya. Katatapos lang gamutin ang kanyang mga sugat at gasgas. Hindi ito umimik, alam kong may dinadamdam ito.

"Don't worry about Sky, malakas iyon at magtiwala kang walang mangyayaring hindi maganda sa kanya." pagpapalakas ko nang loob sa kasama ko. Nakita kong papalapit sa amin si Grey at may hawak-hawak na dalawang cup ng coffee.

"Uminom muna kayo nang kape para mainitan ang mga sikmura ninyo." abot niya sa amin ng mga cups. Agad ko namang tinanggap ang mga ito at iniabot kay Josette ang isa. Tamang-tama ito dahil kanina pa kami nilalamig. Marahil kasi ay nakaswimsuit lang kami pareho.

"Thanks, Grey..." saad ko dito at naupo rin ito sa tabi ko. "You can go back sa resort para makapagpahinga ka na, Grey" sambit ko dito pero seryosong tumingin lang ito sa akin, sa aking mga mata.

"No. I won't leave you here, Ash..." matigas nitong sabi. "Sasamahan ko kayo ni Josette..." paliwanag niya. Pati si Josette ay napalingon din kay Grey nang marinig niya ang sinabi nito. Sabagay, ang lahat ay nasa resort parin at naghihintay nang balita. Kami lang ni Grey ang sumama kina Sky at Josette pahospital.

"Thanks, Grey. Kasalanan ko lahat nang ito eh." saad ni Josette tapos she began sobbing uncontrollably. Hinihimas ko lang ang likod nito to comfort her. "It's not your fault best. Don't blame yourself. Even Sky knew that..." paliwanag ko sa umiiyak na si best. "And besides, aksidente ang nangyari..." dagdag naman Grey.

~

Nakasemento na ang kanang binti at kaliwang braso ngayon n Sky. May malay na ito at nakikipagtawanan na sa amin sa loob nang room niya. Mamayang hapon ay pwede na itong lumabas. Binalak narin namin na umuwi after makalabas ni Sky galing dito sa hospital.

“Ano ka ba naman, Ash?!! Pirmahan mo na iyong cast na nakabalot dito sa braso ko, tag-uso kaya iyan ngayon…” pangungulit ni Sky sa akin habang hawak-hawak niya ang marker sa kanang kamay niya na may dextrose. Pinapapirmahan sa akin ang cast na nakabalot sa kaliwang braso niya.

“You know, Sky… dudumi lang iyang braso mo nu?!” reklamo ko sa kanya. Natatawa na lang ako sa lalaking ito, parang hindi nabalian kung mangulit. Pagkatapos, napalingon naman ako kay Josette na hindi kalayuan sa amin at tahimik na nakaupo sa may sulok.

“Best! Bakit nandiyan ka? Lumapit ka nga dito banda sa amin ni Sky!” tawag ko sa kanya. Napatingin lang ito sa amin na tila ba’y nagtataka kung bakit ko siya tinatawag. “Ako?” tanong niya, saglit na napatingin ito kay Sky tapos tumingin naman sa akin. “Eh sino pa ba, alangang si Grey eh tulog na tulog si Grey oh!”react ko dito habang tinuturo si Grey na mahimbing naman na natutulog sa may sofa. Hindi ko mawari pero kakaiba ang inaasal ni best ngayon. Umiiwas ba siya kay Sky dahil sa mga nangyari?

“Ah, oo.. n-nandiyan na..” nagstastammer na sagot ni Josette habang papalapit ito sa amin. Nabangga pa siya sa dulo nang kama bago pa ito nakalapit sa amin. “Oh okay ka lang ba?” tanong ko kay best nang mapansing parang wala ito sa sarili nang makaupo ito sa tabi ko.

“Oo naman,okay lang ako.” Sagot naman ni best. Nakayuko ito at iniiwas ang mga tingin kay Sky. Nakita ko naman ang naging reaction ni Sky nang lumapit sa amin si best. Seryoso ang mukha nito na tila ba’y ayaw niyang naroroon si best?

The Martyr GirlfriendWhere stories live. Discover now